^

Pang Movies

Wil, Ayaw aminin si Carla HumpHries  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Wil, Ayaw aminin si Carla HumpHries             
Wil

Nagsalita na si Wil Dasovich tungkol sa pagkaka-engage ng kanyang ex-girlfriend na si Alodia Gosiengfiao.

Na-engage kamakailan ang tinaguriang Cosplay Queen sa businessman na si Christopher Quimbo ilang buwan pagkatapos itong makipag-break kay Dasovich. Naghiwalay sila noong November 2021.

Sey ni Dasovich na masaya siya para sa ex-girlfriend: “At the end of the day, I just want everyone to be happy, you know?”

Tungkol naman sa sarili niyang lovelife, hindi pa rin kinukumpirma ni Dasovich kung girlfriend na nito ang aktres na si Carla Humphries at kung kelan ito magse-settle down na.

Sagot lang niya sa mga marites: “It’s doing alright, you know? It’s okay. It’s alive and well.”

Pinakilala na kasi ni Dasovich si Carla sa kanyang buong pamilya sa Amerika. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito... paghahanda na ito sa pagpapakasal.

Pero sa tanong kung kelan magse-settle down si Wil, ang sagot niya ay: “I don’t know. Not anytime soon.”

Jean, nag-viral ang pagsalaksak ng hilaw na manok kay Rochelle

Friends pa rin daw sina Jean Garcia at Rochelle Pa­ngilinan pagkatapos ng nag-viral nilang eksena sa teleserye na Lolong.

Sa naturang eksena ay pilit na pinapakain ng hilaw na manok ni Jean si Rochelle na nakagapos sa silya. Nadiskubre kasi ng character ni Jean na isang atubaw o may lahing buwaya ang character ni Rochelle.

Kuwento ni Jean na nagdalawang-isip din daw siyang gawin ang eksena dahil alam niyang mahihirapan si Rochelle. Bilib daw si Jean kay Rochelle dahil game raw ito na gawin ang eksena kahit na masaktan pa ito.

Sey ni Jean: “I made sure na hindi ko masasaktan si Rochelle sa eksena. Nag-usap kami kung paano kami kikilos sa scene. Pagdating sa manok, talagang tinanong ko kung necessary ba na gawin ko iyong ipakain kay Rochelle? Kailangan daw kaya sige ituloy na namin. Kaso frozen pa ‘yung manok kaya pina-thaw ko muna kasi bukod sa isasalaksak ko sa bibig ni Rochelle ‘yung manok, ihahampas ko pa sa mukha niya. Kaya kailangan malambot ‘yung manok or else masusugatan ko si Rochelle.”

Binigay raw ni Jean ang eksenang iyon kay Rochelle dahil nakita niya ang dedication nito sa eksena. Matapos daw ang shoot, nagyakapan at nag-iyakan sila.

Sa magiging Bagong Yugto ng Lolong, papasok ang mga bagong tauhan na kinabibilangan nina Vin Abrenica, Alma Concepcion, Rafael Rosell, Lucho Ayala, at Thea Tolentino.

vuukle comment

WIL DASOVICH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with