^

Pang Movies

SPG rating, wala nang silbi?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May netizens na nagreklamo raw sa The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa palagay nila ay sobra ang violence doon sa last episode ng seryeng natapos ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probin­syano. Iyan ang kaibahan ng classification, maaaring ang isang eksena ay masyado nang marahas sa paningin ng ibang tao, o kung sex naman ang tema ay masyado nang mahalay, pero kung sa tingin ng reviewer ay hindi naman, mananaig iyon. Maghain kayo ng reklamo at iyan ay ire-review ng ibang division o kaya ay en banc, pero naipalabas na rin.

Halimbawa lately ay may isang pelikula ring tinatanong nila, bakit Parental Guidance ang classification, na ibig sabihin kahit na maliit na bata basta kasama ang magulang ay maaaring pumasok, samantalang ang kalaban noon na may kasalungat na tema ay R16. Simple lang ang dahilan, magkaibang division ang nag-review sa kanila.

Iyang review ng MTRCB, gabay lang iyan pero ang pamimili ng panonoorin ay nasa tao pa rin. Kagaya nga ng sinabi namin, gusto sana naming mapanood ang final episode ng serye ni Coco Martin kahit na hindi kami palagiang nanonood noon. At least makita ang ending. Eh puro sila barilan nang barilan, inilipat namin ang pinanonood namin sa Animal Planet. Magkagatan man sila nang magkagatan, mga hayop iyon. Mayroon pang isang ipinatutupad sa TV, iyong SPG o STRONG PARENTAL GUIDANCE, na nasimulan noong ang nasa MTRCB pa ay si Senadora Grace Poe.

Iyong SPG, ginagamit nila sa mga panooring violent o kaya ay sexually explicit. Pero bakit nga ba kailangan iyan sa telebisyon? Magagawa iyan sa pelikulang palabas sa sinehan, dahil may nagbabantay sa mga nanonood, pero sa telebisyon ay mahirap mong mabantayan. Kaya bakit may SPG pa?

Karamihan iyang SPG ay mga pelikulang sexually explicit na ipinalalabas kung hatinggabi na sa cable channels. Pati na rin ang gay movies na nilalagyan lang nila ng SPG ratings. Dapat wala iyang SPG eh.

Sunshine, ayaw magpadikta sa fashion taste

Tama lang naman si Sunshine Cruz sa pagsasabing kung hindi ninyo nagugustuhan ang kanyang fashion taste, ‘di mag-unfollow kayo sa kanyang social media account. Pero hindi ninyo siya puwedeng diktahan kung ano ang isusuot niya. Iyong kanyang social media account, kanya iyon eh. Bahagi iyan ng kanyang karapatan sa komunikasyon, walang may pakialam sa kanya, liban na lang kung lumalabag siya sa community standards ng platform. Kung hindi naman, sino nga ba ang dapat makialam?

Iyang nakikisilip lang sa social media account ng mga artista, kayo ang binibigyan ng pagkakataon na makita ang kanilang gustong sabihin, pero hindi kayo sensura at wala kayong pakialam ano man ang ilagay nila roon. Kung ayaw ninyo, ‘di i-block ninyo.

Mga social media influencer, ginagamit para makatipid sa AD rates

Kawawa naman ang baguhang talents ngayon. Ginagawa silang “social media influencer” ng mga kumpanyang umiiwas sa mas mahal na advertising rates. Sila ang kinukunan ng pictures, hawak ang produkto, babayaran sila ng mula tatlo hanggang limang libo, at bibigyan sila ng quota kung ilang beses iyong dapat lumabas sa kanilang social media account. Hindi lang sa nae-exploit ang mga influencer, nawawalan din ng advertising ang lehitimong media dahil sa mga ginagawang ganyang sistema. Direct advertising iyan eh, kaya namamatay ang ilang lehitimong media, wala nang makuhang advertising kasi nga nakakalusot sila sa social media.

Mayroon pa, nakakapagbayad ng milyon sa mga artista para mag-endorso ng kanilang produkto, tapos gagamitin iyong press release o ilalabas sa social media para makatipid sila. Pinapatay ng mga iyan ang lehitimong advertising.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with