^

Pang Movies

Julia, pinakita ang engagement ring nila ni Coco!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Julia, pinakita ang engagement ring nila ni Coco!
Julia at Coco

Mas lumakas pa ang ingay na engaged na nga sina Coco Martin at Julia Montes na nagbalik sa ending ng Ang Probinsyano last Friday night.

Pinagmalaki kasi ng aktres na proud na proud siya kay Coco sa pagtatapos ng Ang Probinsyano noong isang gabi.

Si Julia ang sinasabing pakakasalan ni Coco at diumano’y may anak na sila pero walang inaamin ang dalawa.

Lately ay nababalitang engaged na talaga sina Coco at Julia lalo na nga’t parang may dini-display na ‘engagement ring’ si Julia nang mag-reunion sila nina Kathryn Bernardo and Dimples Romana.

Ang laki ng diamond.

Kasi parang gusto talaga nilang mapansin ‘yung singsing na nasa daliri ni Julia na bukod sa engagement ay preggy na rin uli diumano.

“Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano… isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show… sa dedikasyon , pagmamahal at sipag na binigay mo sa show, isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…
“Mula sa pangarap lng noon, ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo …
“proud na proud ako sayo!
Congratulations aming Cardo Dalisay,” ang buong post ni Julia na inabangan kung ikakasal na nga ba sa aktor.

Kasabay rin ito ng pasasalamat ni Coco.

“Maraming Salamat, Panginoon sa pitong taon na trabaho na ibinigay nyo sa amin, Napakarami pong buhay at pamilya ang natulu­ngan dahil sa aming programa.
“Sa aking pamilya na nakasama ko sa loob ng pitong taon, sa lahat ng artista, directors, writers, staff/crew, cameramen, drone, art department, audio men, lighting directors, fight directors, stuntmen, talents, sa lahat ng bumubuo ng programa namin @dreamscapeph family, sobra kong saya at proud na naka buo tayo ng isang samahan at magandang proyekto na hinding hindi ko malilimutan.

 “Maraming maraming Salamat sa dedikasyon at tiwala na ibinigay nyo para mapaganda ang programa natin! Saludo ako sa inyong lahat!
“Sa ABS-CBN, Maraming Salamat po sa oportunidad at trabahong ipinagkatiwala nyo sa amin, sa a­ming mga Bosses: Tita Cory, Sir Carlo, Sir Mark, Sir Deo at sa lahat po ng bumubuo ng aming programa.
“Taos pusong pasasalamat po kay FPJ, sa aking Lola Susan, Ate Grace sa tiwala na ibinigay nyo sa amin para magawa ang FPJ’s Ang Probinsyano.
“Salamat hanggang sa muli nating laban!— Police Major Ricardo Dalisay, Signing Off.”

Halos dalawang oras ang naging finale episode nito na katapusan ng isang era kumbaga sa Philippine television.

At sa seven years nitong umeere, dalawang presidente ng Pilipinas ang dumaan, dalawang Miss Universe winners, isang Olympic gold medalist at iba pa. Inabot na rin sila ng pandemic at nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Umabot sa 586,548 thousand ang live viewers sa YouTube ng nasabing finale episode.

Ilang beses din itong napabalitang matsutsugi pero naitawid nila.

Kaya naman, matinding pressure ang nararamdaman ngayon ni Jane de Leon na bida sa Mars Ravelo’s Darna na papalit sa timeslot ng Ang Probinsyano simula sa Lunes.

Kasama ni Jane sa Mar Ravelo’s Darna series mula sa ABS-CBN Entertainment sina Iza Calzado bilang si Leonor, ang unang Darna at ina ni Narda; Janella Salvador bilang ang vlogger at lawyer na si Regina at ang mortal na kaaway ni Darna na si Valentina; Joshua Garcia bilang ang police officer na si Brian; at Zaijian Jaranilla na gagampanan ang papel ni Ding, ang computer geek na kapatid ni Narda.

KC Montero, pinaliwanag ang totoong okrayan nina Matteo at Alex

Nilinaw ni KC Montero na magkakaibigan sila sa Lunch Out Loud (LOL) at walang pikunan na naganap sa pagitan nina Matteo Guidicelli at Alex Gonzaga na nag-viral.

“At the end of the day, everyone on the show are friends. They were joking all day long. Like a brother and sister would. But someone uploaded only half of the video and social media went crazy. Obviously that’s not what really happened,” tweet niya.

Kaya naman nag-share siya ng buong version ng nasabing okrayan nila Matteo and Alex. “So here’s the video in its entirety, clearly it was a joke from the beginning. It was a prank but unfortunately some edited the video. Meanwhile Alex Gonzaga is being bashed this.”

Nakatikim nga ng matinding bashing si Alex dahil sa sinabi ni Matteo.

“May konting mensahe po ako sa tropang LOL, especially sa ’yo Alex. Napanaginipan ko ito kagabi at nag-pray ako, na tigilan na natin ang magbiro sa mga asawa natin kay konsehal at sa asawa ko dahil mga ‘ex’ na yan eh. Kagabi umiyak na talaga ako dahil sa ’yo. Nasasaktan ako para sa asawa ko. Irespeto na lang natin ang mga asawa natin,” na ang ending ay nag-joke na si Matteo tungkol sa kuko sa paa ni Alex at nagtawanan na sila.

Sineryoso ang nasabing dialogue ni Matteo kay Alex kaya umapaw ang bashing kay Alex.

Pero nakita kasi talaga ng fans na may semblance of truth ang reaction ni Matteo.

Parang seryoso siya lalo na nang mag-dialogue siya ng “Sa mga kasama ko sa bahay, Love, you’re watching, love you so much. You’re the one and only,” na siyempre ay ang tinutukoy ay si Sarah Geronimo.

JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with