^

Pang Movies

Ate Vi, alam na ang gender ng anak nina Luis at Jessy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ate Vi, alam na ang gender ng anak nina Luis at Jessy
Vilma Santos

Ayon kay Vilma Santos, mahigit isang buwan na niyang alam ang pagbubuntis ng manugang na si Jessy Mendiola at siyempre masayang-masaya siya para sa mag-asawa.

“Matagal ko ding inantay ito at ipinagdasal na magkaapo na ako. Actually, more than a month ko nang alam, they kept me updated pati sa ultrasound,” pahayag ng Star for All Seasons sa statement na ipinadala niya sa TV Patrol.

Pero siyempre, quiet lang siya at hinayaan daw niyang ang mag-asawa siyempre ang mag-anunsyo nito.

Matatandaang isinagawa nina Luis Manzano at Jessy ang pregnancy announcement last Thursday night.

Ayon pa kay Ate Vi, hintayin na lang din daw natin ang gender reveal nina Luis at Jessy.

“Hayaan nating sila ang magsabi, it’s a beautiful announcement. ‘Yung gender reveal antayin natin!,” pahayag pa ng future lola.

AJ, gusto na talagang gumradweyt sa paghuhubad

Walang pagsisisi kay AJ Raval na hindi niya tinanggap ang Scorpio Nights 3 at happy naman daw siya sa ibinigay na bagong project sa kanya ng Viva Films, ang sexy-action film na Sitio Diablo mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr.

Matagal na raw niyang dream ang magkaroon ng action film at mas natuwa pa siya nang malamang kasama niya sa movie ang mga hip-hop artists na sina Pio Balbuena, Cean Jr., Just Hush, Because at kapatid niyang si Ace Raval.

“Sobrang gaan po ng loob ko sa mga rappers, eh, sa mga hip-hop. Nature na po sa akin ‘yan, eh. Kasi ‘yung kuya (Ace) ko rin po, nagra-rap.

“Saka siyempre kay direk Roman, wala po akong tatanggihan kay direk Roman,” pahayag ni AJ sa digital conference para sa Sitio Diablo.

Happy raw siya na napunta kay Christine Bermas ang Scorpio Nights 3 dahil gusto na rin daw niyang grumadweyt sa mga ganitong klaseng pelikula na talagang matitindi ang sexy scenes.

“Tapos na rin po siguro ako sa phase nu’ng nag-i-start po talaga, nagse-sexy. Siguro, time na rin naman po para magbigay po sa iba,” ani AJ.

Natanong din ang sexy actress kung kaya ba niya tinanggap ang Sitio Diablo ay para patunayan sa mga tao na hindi siya nagdadalang-tao tulad ng napapabalita. Marami kasi siyang action scenes sa pelikula.

“Hindi ko naman din po ginagawa ito para lang po sa mga naninira sa ‘kin. Actually, dream ko po talaga mag-action, nag-i-start pa lang po ako sa showbiz,” she said.

“So, happy naman po ako na makagawa ng ganitong klaseng pelikula. Nu’ng tinanong po ako ni Boss Vic (del Rosario) kung gusto ko pong mag-action, sabi ko, ‘yes po, gusto ko po talaga.’ Sabi po niya, ‘sige pili ka ng direktor mo.’ Syempre, si direk Roman ang pinili ko,” dagdag niya.

Puring-puri naman ni direk Roman si AJ when it comes to action scenes at nasa dugo raw talaga nito since action star nga ang ama niyang si Jeric Raval.

“Ang galing niya sa knife. Nag-aral siya ng knife fighting, nag-aral ng stunts, nag-aral ng barilan, siyempre. Nag-aral pa sa Crame ‘yan. Pero nag-aaral naman yata sila talaga ni Kuya Jeric. Pero nag-aral siya para sa project na ito.

“Nakaka-proud si AJ dito, nanaksak basta-basta. Ang daming kalaban, ang daming stunts pero kinakaya niya,” pagmamalaki ni direk kay AJ.

Streaming na ngayong Aug. 26, 2022 ang Sitio Diablo sa Vivamax. Kasama rin sa movie sina Kiko Estrada, Benz Sangalang, Massimo Scofield, Karl Aquino at Joko Diaz.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with