^

Pang Movies

Asawa ni John na si Priscilla, may depression dahil sa sakit sa matris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Asawa ni John na si Priscilla, may depression dahil sa sakit sa matris
John at Priscilla

Na-diagnose si Priscilla Meirelles, wife ni John Estrada ng inflammatory disorder na endometriosis. Sa kanyang Instagram Live noong Aug. 11, inamin ni Priscilla ang kanyang sakit na nagsimula raw after niyang ipanganak ang daughter nila ni John.

Ikinuwento ni Priscilla ang hirap na kanyang pinagdadaanan mula sa sobrang sakit at hindi maalis sa gamot na dysmenorrhea.

Sa sobrang sakit, hindi siya makakilos at hirap tumayo at naapektuhan na ang mood niya. Hindi rin umeepekto ang mga iniinom na gamot at inakala pa niyang stress-related ang nararamdaman.

Nag-research sila ni John at ang hinala nila may endometriosis siya at nakumpirma ito nang magpakonsulta siya sa gynecologist at magpa-MRI. Nakitaan siya ng dalawang microscopic implants sa may abdominal muscles niya at malaki na raw. Nalaman din ni Priscilla na hindi simple ang paggamot sa kanya.

“It’s a condition that has no cure and it’s very hard for women that suffers from it. The pain sometimes is not that bad depending on the location but in my case, mine is located- based on what the doctor told me- most likely around my CS scar in my abdominal muscle, in the inguinal area. And it’s very painful when I move.”

Nakakaramdam ng depression si Priscilla dahil sa kanyang sakit at umaasang mag-work ang sinusubukan niyang ibang treatment. Ang payo ni Priscilla sa mga babae, kapag nakakaranas ng menstrual pain, magpatingin agad sa doctor.

Ruffa, pinatutsadahan ni former COMELEC Bautista

Wala pang sagot si Ruffa Gutierrez sa patutsada ni former COMELEC chair Andy Bautista pagkatapos i-post ni Ruffa ang high box-office gross ng Maid in Malacañang. 

Sa Twitter at Instagram, pinost ni Ruffa ang P41M at P100M gross ng controversial movie at patuloy na nagpapasalamat sa moviegoers na patuloy na sumusugod sa mga sinehan para panoorin ang pelikula.

Sinagot ni Bautista ang box-office gross post ni Ruffa sa pagpo-post ng larawan ni former Vice Presidential bet Walden Bello na may hawak na whiskey pagkatapos nitong makalabas sa kulungan dahil sa libel case na demanda.

Ang caption ni Bautista sa kanyang post ay “Kapag lalong inaapi, mas lalong tumitindi” at sagot din niya ito sa naging pahayag ni Ruffa na na-bully sila na kanilang nalampasan.

May nagpaalala kay Bautista na standard practice sa showbiz na ipaalam ang kinita ng pelikula at sa telebisyon naman ay ang ratings.

Tanong ng netizens, bakit si Ruffa lang ang napansin ni Bautista? Ginagawa rin ito nina Cesar Montano, Karla Estrada at iba pang cast ng movie. Ginagawa ito ni direk Darryl Yap at ng Viva Films, bakit daw hindi sila makita ni Bautista.

Sunshine, inabot ng limang oras sa MRI!

Marami ang nagpahatid ng complete healing and recovery messages kay Sunshine Dizon nang mabasa ang post nito sa ginawang medical procedure sa kanya. Sabay-sabay kasing ginawa ang MRI sa kanya, kaya inabot siya ng mahabang oras sa hospital.

Share ni Sunshine, “Did a more than 5 hours lumbar, cervical and bilateral shoulder MRI with contrast under sedation last night. Super groggy last night thank you to those who messaged and checked on me.

P.S. Sorry i think i worried a lot of people. I usually have low back and cervical pain (my last MRI was 2020) but recently my neck started to hurt again thats why i got the procedure.”

Sabi ni Sunshine, kaya inabot siya ng limang oras sa MRI dahil sinabay na lahat at may binanggit itong contrast na lalong nagpatagal sa procedure. Wala pang update si Sunshine kung kumusta na siya ngayon pagkatapos ng pinagdaanan.

Naalala namin, grabe rin kung atakihin si Sunshine ng migraine, nadadala siya sa ER at kailangan ng injection para mawala ang sakit. Ilang araw ding tumatagal ang migraine ng aktres bago mawala.

Julie Anne, inaabangan ang ‘pag-oo’ kay Rayver

Nahawakan at na kay Julie Anne San Jose na ang trophy sa silver award na napanalunan ng concert niyang Limitless Musical Trilogy sa New York Film Festivals 2022. Hindi nakadalo si Julie dahil sa pandemic.

Pinost nito ang photo niya hawak ang magandang trophy at may caption na “Hanggang ngayon, still surreal. A silver award from New York Film Festivals 2022 for our passion project. To God be the glory.”

Hindi lang ang career ang maganda ang takbo kay Julie, pati ang kanyang lovelife. Nanliligaw pa lang daw sa kanya si Rayver Cruz, pero siguradong magiging sila rin, magiging couple silang dalawa, lalo at magkasama sila sa Together Again na pa-concert ng GMA Pinoy TV sa Sept. 24 & 25 sa California. May concert din silang dalawa sa November.

JOHN ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with