^

Pang Movies

Barbie, papasukin ang mundo ni Rizal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie, papasukin ang mundo ni Rizal
Barbie Forteza.

Thankful si Barbie Forteza na muli siyang gagawa ng isang bagong series, ang historical portal fantasy primetime series na Maria Clara at Ibarra, pagkatapos niyang gawin ang drama series na Mano Po Legacy: The Family Fortune, sa GMA 7. “This time, I will play po the role of Maria Clara Infantes/Klay. Ano po kaya ang mangyayari kapag napasok ng isang Gen Z ang mundo ng sikat na nobela ni Jose Rizal.”

Ikinatuwa rin ni Barbie na muli silang magkakasama ng favorite Kapuso Drama Actor niyang si Dennis Trillo na gaganap na Ibarra. Bale second time na nila to work together, after nilang magtambal sa ilang episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Masaya rin si Barbie dahil muli silang magkakasama ni Julie Anne San Jose, who will play Maria Clara, matapos niyang mag-guest sa Heartful Café ni Julie sa GMA 7.

K-drama, back-to-back sa gma heart of asia

Para sa fans ng Koreanovelas, there’s no stopping ang GMA Heart of Asia sa pagbibigay nila sa loyal viewers nila, dahil simula tomorrow evening, Aug. 15, dalawang Korean dramas ang back-to-back na mapapanood sa GMA Telebabad.

Unang mapapanood ang The Red Sleeve na katatapos lamang manalo ng Best Drama Award at ang Best Actor award naman ay natanggap ng bida nito na si Lee Jun-ho mula sa katatapos na 58th Baeksang Arts Awards, at 9:35 p.m. Mondays to Thursdays, after Bolera. Susundan naman ito ng About Time na mapapanood ng 10:20 p.m., Mondays to Thursdays, at every Friday, 10:35 p.m.,  after ng Bubble Gang, sa GMA 7.

Vin, Kapuso na!

Bagong Kapuso actor na ba si Vin Abrenica? Maraming natuwa nang bumulaga si Vin sa teaser ng Lolong. At bukas, Aug. 15, iwi-welcome ni Lolong lead actor Ruru Madrid si Vin at ang cast na bubuo sa Lolong: Ang Bagong Yugto, na sina Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell, Lucho Ayala, na makakasama ng original cast na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan and Paul Salas.

Very proud si Kapuso Action-Drama Prince na ma-meet niya ang mga bagong makakasama niya. Hindi raw sila nanghinayang sa hirap ng taping nila dahil nagbunga ito ng gabi-gabing pagtaas ng rating nito. “Ngayon po ay lalaban na ang mga buwaya, gaganti na ang tribong inapi. Simula na po ng bagong digmaan para sa katarungan at para sa kapangyarihan, at ito na po ang bagong yugto ng Lolong,” pahayag ng aktor.

Napapanood ang Lolong gabi-gabi, 8 p.m., pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

BARBIE FORTEZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with