^

Pang Movies

LOL naging kontrobersyal sa Maritest...Matteo takot na takot kay Sarah nang ungkatin ang nakaraan nila ni Maja, Alex pinangaralan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
LOL naging kontrobersyal sa Maritest...Matteo takot na takot kay Sarah nang ungkatin ang nakaraan nila ni Maja, Alex pinangaralan!
Sarah at Matteo.

Sunud-sunod ang trending issue sa Lunch Out Loud since maging pre-programming sila ng It’s Showtime.

Una ay ang tungkol sa Super Junior kung saan tinanong sa segment na Maritest : ‘Sa mga K-pop group, sinong boy group ang nag-cancel ng concert recently dahil pumanaw ang ama ng isa sa mga miyembro?’

Tama naman ang sagot ng contestant ng komedyante na si Pooh.

Pero na-offend ang fans ng Super Junior dahil masyado raw insensitive ang question at ginawang katatawanan ang isang malungkot na sitwasyon na kanilang idolo.

Hirit kasi ni Wacky na isa rin sa mga co-host sa programa na “Mahilig pa naman si Pooh sa mga Super Junior.”

Si Alex Gonzaga ang host that time ng nasabing segment na tungkol sa latest ‘marites.’

At kahapon ay trending na naman ang LOL dahil sa guesting ni Matteo Guidicelli.

Ilang araw din kasing nasa LOL si Matteo at parang binibiro ito sa isa sa regular dancer ng LOL na si Laboching at ganundin ang tungkol sa ex ni Matteo na si Maja Salvador at si Alex sa former Callalily frontman na si Kean Cipriano.

Maayos naman actually ang lokohan nila habang nagpo-promote ng show ni Maja sa TV5 na Oh My Korona.

Si Alex lang nauna pero pumatol naman kasi si Matteo sabay promote ng programa ni Maja.

Pero sa episode kahapon hindi si Matteo nakatiis. Sinopla niya si Alex. “May konting mensahe po ako sa tropang LOL, especially sa ’yo Alex. Napanaginipan ko ito kagabi at nag-pray ako, na tigilan na natin ang magbiro sa mga asawa natin kay Konsehal at sa asawa ko dahil mga ‘ex’ na yan eh. Kagabi umiyak na talaga ako dahil sa ’yo. Nasasaktan ako para sa asawa ko. Irespeto na lang natin ang mga asawa natin.”

Pero sumagot naman si Alex na naging sensitive rin naman nang makaranas ng miscarriage ng ‘Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.’

Marami rin namang nakaintindi kay Alex.

Baka kasi naapektuhan si Sarah Geronimo kaya na-bother si Matteo at talagang pinagsigawan ni Matteo sa ending ng LOL na mahal na mahal niya si Sarah at nag-iisa lang ito sa buhay niya. “Sa mga kasama ko sa bahay, Love, you’re watching, love you so much. You’re the one and only,” panini­guro ni Matteo.

Ahh, si Sarah na kaya raw ang susunod na aa­ming preggy na rin?

Or baka naman talagang sobrang takot lang si Matteo sa misis?

‘Silent Feud’ nina Alden at Bea, itinatanggi

Totohanan daw ang silent feud nina Alden Richards at Bea Alonzo ayon sa isang source.

Pero dini-deny naman ng ibang kakilala nila.

Bukod daw kasi sa nagdedmahan ang dalawa sa GMA Thanksgiving Gala night, hindi rin daw talaga nag-uusap ang dalawa at nagkakaroon ng disagreement sa taping ng Start-Up Philippines.

Wala pang ibinibigay na schedule ang GMA kung kailan ang airing ng Start-Up PH though ang unang balita ay this August na.

More than a year na si Bea sa GMA at ito sana ang first teleserye niya sa Kapuso Network pero wala pa ring final date kung kailan talaga ito mapapanood.

Regine, one week nang Ku-momshie

Naka-one week na ang ‘JoReMe’ sa pagpasok ni Asia’s Songbird Regine Velasquez bilang pinakabagong Ku-momshie kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa Magandang Buhay.

Ito ay kasabay sa pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng Magandang Buhay.

Pagbabahagi ni Regine, “Kabadong-kabado talaga ako. Excited ako syempre, siguro kasama lang ‘yun na kapag naging host ka, there is a certain responsibility. I’m very happy to be part of Magandang Buhay.’”

 Pinasalamatan din ni Regine si Karla Estrada sa pagiging parte ng show sa loob ng anim na taon.

Ibinahagi naman nina Jolina at Melai kung gaano sila kasaya na makakasama nila si Regine araw-araw sa show. 

Ani ni Jolina, “It’s an honor to welcome ka officially bilang bagong ‘MB’ momshie.”

 “Wala nang mas hihigit pa na sixth anniversary gift ang makasama ka namin dito every morning,” saad naman ni Melai. 

Nagpasalamat naman ang tatlo sa mga bumubuo ng 2022 Golden Laurel Awards sa pagkilala sa programa bilang Best Celebrity Talk Show ngayong taon.

I SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with