^

Pang Movies

Aga, nagpa-throwback sa manager!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Aga, nagpa-throwback sa manager!

Noong Aug. 1 pa ang birthday ni Manay Ethel Ramos at binati siya ng happy birthday ni Aga Muhlach. Throwback photos ang ginamit ni Aga sa birthday message niya kay Manay Ethel at malalaman ninyo sa kanyang caption. “My manager, mother, adviser, my guardian angel. Name it, she did it for me. I love you very much. Forever grateful. Happy birthday Tita Ethel Ramos!!! God bless you. And yes, wala kame picture together in the past 30 years! Haha always yan group photo! (kasama ka Salve sa photos).” (Photos ko ‘yun actually. - Salve)

Dahil sa post ni Aga, maraming artista na rin ang bumati ng happy birthday kay Manay Ethel at binati na rin si Aga na birthday kahapon.

Samantala, nagpasalamat si Aga sa mga sumuporta sa movie serye niya sa TV5 na Suntok sa Buwan (SSB) na airing Monday-Tuesday at Thursday. Balita ni Aga, doing well ang SSB at may paalalang ‘wag bibitaw dahil marami pang mangyayari.

Claudine, suko na sa pulitika

Wala nang balak si Claudine Barretto na pasukin pa ang pulitika, pagkatapos niyang kumandidatong konsehal sa Olongapo City na unfortunately, hindi siya sinuwerte.

Sa interview ni Lhar Santiago para sa 24 Oras kay Claudine kung may balak pa ba siyang magpulikita, negative ang sagot nito. “No more na. Tapos na ako doon. Siguro politics is not for me,” sagot ni Claudine na kinuwestiyon ang pagtakbong konsehal dahil hindi naman daw siya taga-Olongapo.

Anyway, tampok si Claudine sa second anniversary special episode ng Wish Ko Lang titled Bisita. Ngayon lang uli mapapanood na umaarte sa telebisyon si Claudine at sa GMA 7 pa, may natuwa at may nagtatanong kung bakit hindi siya sa ABS-CBN lalabas?

Ayon kay Claudine, ready na siyang balikan ang showbiz, payat na nga siya, 60 lbs., ang nabawas sa timbang niya mula nang mag-Intermittent Fasting o IF. “Nang mabasa ko ang script, agad akong umoo, lalo nang malaman kong para sa 20th anniversary ng Wish Ko Lang, saka maganda ang story. Nami-miss ko na rin ang umarte,” pahayag ng aktres.

Marian, binaha ng pagbati

Ang “Love you!” na sagot ni Marian Rivera sa birthday greetings sa kanya ng asawang si Dingdong Dantes sa Instagram. Simple and short lang ang birthday greetings ni Dingdong na “Rockin’ our worlds since 1984. Happy birthday, my Love. @marianrivera.”

Marami ang bumati kay Marian sa kanyang ika-38th birthday at pagandahan ng birthday greetings. Iba-iba rin ang adjective na ginamit nila to describe Marian. Si Aiko Melendez, “ganda” ang itinawag kay Marian, si Gladys Reyes, “gorgeous,” si Bianca Gonzalez, “beautiful.” Si Mariel Padilla, “perfect,” si Shaira Diaz, “diyosa” at si Isabelle de Leon, “manika.”

Jessy at Iza, magkasunod ang paglantad ng baby bump

Hindi lang si Jessy Mendiola ang buntis dahil buntis din si Iza Calzado at sa latest post nito, parang may baby bump na siya. Walang binanggit si Iza kung ilang weeks na siyang buntis.

Hinintay lang siguro ni Iza ang 40th birthday niya kahapon, Aug. 12, para i-announce na preggy siya. Ang daming natuwa sa balitang ito at masaya sila para kina Iza at sa asawa nitong si Ben Wintle.

Siguradong ngayon pa lang, marami na ang nagbo-volunteer na maging ninang at ninong sa magiging baby nila.

ETHEL RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with