^

Pang Movies

Historic deal pirmado na...mas marami pang shows ng ABS-CBN, mapapanood na sa TV5!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Historic deal pirmado na...mas marami pang shows ng ABS-CBN, mapapanood na sa TV5!
A Historic Agreement: Selyado na ang partnership ng Media­quest and ABS-CBN upang palakasin ang kanilang free to air network. Present are (L-R) Smart & PLDT President & CEO Alfredo S. Panlilio, Mediaquest Holdings President & CEO Jane J. Basas, Mediaquest Holdings Chairman Manuel V. Pangilinan, ABS-CBN Chairman Mark L. Lopez, ABS-CBN President & CEO Carlo L. Katigbak and ABS-CBN Chief Partnership Officer Bobby V. Barreiro.

Pormal nang inanunsyo ng ABS-CBN Corporation at TV5 Network, Inc. ang pagpapatupad ng Investment Agreement na magpapahintulot sa ABS-CBN na makakuha ng 6, 459, 393 primary common shares sa TV5 na kumakatawan sa 34.99 % of the total voting and outstanding capital stock of  TV5 for an aggregate subscription price of P2.16Bn. 

Matapos makumpleto ang subs­cription na ito, ang equity ng Media­Quest group sa TV5 ay binubuo ng 64.79%  voting at outstanding capital stock kaya’t ang MediaQuest group ay mananatiling controlling shareholder ng TV5.

Kasabay ng pagpapatupad ng Investment Agreement, ang dalawang parties will execute a Conver­tible Note Agreement pursuant to which ABS-CBN to invest in a Convertible Note with a face value of P1.84Bn to be issued by TV5 (the “Convertible Note”). The Convertible Note will allow ABS-CBN, subject to obtaining applicable regulatory approvals, to acquire additional primary common shares of TV5 after 8 years from the issuance of the Convertible Note, and thereby increase its equity in TV5 to no more than 49.92% of the outstanding capital stock of TV5.

Ang kikitain ng subscription sa primary common shares at ang Convertible Note sa kabuuang halaga na P4Bn ay magpopondo sa capital expenditures at operating expenses ng TV5 sa pagpupursige ng pagpapahusay ng content at programming at public service offering nito.

Ang transaksyong ito ay malinaw na transformational para sa parehong mga kumpan­ya upang mapahusay ang kakayahan ng TV5 na maghatid ng mas malawak na coverage sa Filipino viewers sa entertainment, balita, sports at public service.

Ito ay naaayon din sa pambansang patakaran sa pagpapalawak ng tungkulin ng pribadong sektor sa pagsuporta sa mahusay at maaasahang mga serbisyong pampubliko, na inaasahang ibibigay ng TV5 sa pamamagitan ng nationwide network nito para sa mas tumaas pa ang kanilang coverage sa mga malalayong lugar.

Ang nasabing transaction ay inaasahang makukumpleto ngayong August 2022, at magtatapos kung maaayos ang lahat ng mga kondisyon.

Ayon kay Mr. Manuel V. Pangilinan, Chairman of Mediaquest Holding, “We  welcome the entry and investment of ABS-CBN in TV5, as ABS-CBN has always been the leading developer and provider of Filipino-related  entertainment content not only in the Philippines but overseas as well. Our companies have always had these cherished values of providing top and  quality programs in the service of the Filipino people and together we believe we can achieve this in greater measure and success.” 

Pahayag naman ni Mark Lopez, Chairman ng ABS-CBN, “We are excited with this partnership as we see the opportunity to help TV5 grow and strengthen its free to air network. For ABS, it presents a fantastic platform for us to achieve synergies in production content and talent management as well as maximizing our content delivery. We look forward to be of greater service to the public as we come together in taking TV5 to the next level.”

Dagdag naman ni Mr. Carlo Katigbak, President and CEO ng ABS-CBN, “This partnership  is consistent with the strategic intention of ABS-CBN to evolve into a storytelling company whose goal is to reach as wide an audience as  possible. In partnership with TV5, we look forward to reaching viewers both on owned platforms and through other broadcast partners, thereby  enriching the Philippine creative industry. We hope the industry evolves  from being highly competitive to increasingly collaborative, which benefits all stakeholders in the long run.”

Ang landmark deal ay matapos dumami ang activities sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 kung saan mas maraming Kapamilya programs na ang ipinalalabas sa Kapatid Network at nakabalik sa free TV.

Running Man Philippines cast members, nagpakape sa SBS at Running Man Korea staff

May pa-coffee truck surprise ang Kapuso stars na bibida sa upcoming GMA reality game show na Running Man Philippines para sa SBS at Running Man Korea staff.

Ito ay paraan nila para pasalamatan ang buong crew na tumulong para maisagawa nang maayos ang kanilang six-week workcation sa bansa.

Ipinasilip ng Kapuso stars ang kanilang special coffee truck sa exclusive photos na naka-post sa social media accounts ng Running Man Philippines.

Kaya naman lalong na-excite ang netizens at fans na mapanood na ang pagsisimula ng programa sa GMA.

Abangan ang world premiere ng Running Man Philippines sa darating na Sept. 3 sa weekend primetime ng GMA.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with