^

Pang Movies

Enrique, tinanggi ang hiwalayan nila ni Liza

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Enrique, tinanggi ang hiwalayan nila ni Liza
Enrique Gil

Tutuldukan na ni Enrique Gil ang ispekulasyong hiwalay na sila ni Liza Soberano dahil plano niyang sundan ang girlfriend sa US. Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog sa YouTube na in-upload kahapon, Aug. 11.

Napag-usapan kasi nila ang first Hollywood film ni Liza na Lisa Frankenstein at masayang-masaya nga si Ogie para sa dating alaga na nagkatotoo na ang pangarap nitong ma-penetrate ang Hollywood. “Finally, may gagawin na pala si Liza! Tinatanong ako kung ano, ‘alam mo ba ‘to Ogie?’ Hindi ko alam ‘to, nabalitaan ko lang din. Nabasa ko lang,” sey ni Ogie.

“Ang dinig ko parang kapatid yata siya ng bida (Liza’s role). Dinig ko lang naman, ha?,” aniya pa. At dito na nga niya inanunsyo ang plano ni Quen na dalawin si Liza sa shooting. “Ang nakarating sa akin ay since nandiyan si James Reid ay dadalaw din at pupunta rin ng US itong si Quen, si Enrique Gil. Yes, dadalawin niya sa shoot itong si Liza. Alam ko, New Orleans. Para dalawin sa kanyang shooting itong si Liza Soberano,” pagbabalita ni Ogie. Well, hindi naman kaila sa lahat na lately nga ay may tsismis na hiwalay na sina Liza at Quen at may netizens din na binibigyan ng malisya ang closeness nina Liza at James. Muli ay nilinaw ni Ogie na sina Liza at Quen pa rin at kaya nga raw pupunta ang aktor sa US ay para matuldukan na rin ang hiwalayan issue. “Kaya nga itong si Enrique, papasyal sa US, dadalawin si Liza. Para ‘di ba, para malinis, wala nang rumor-rumor na si James Reid at si Liza,” ani Ogie. “Siyempre, very much on pa rin si Enrique at si Liza,” diin pa ng talent manager/vlogger.

Alfred, nagbalik-tanaw sa mga pinagsamahan nila ni Cherie Gil

Labis-labis din ang pagdadalamhati ni Alfred Vargas sa pagpanaw ng kaibigang si Cherie Gil.

Sa isang mahabang tribute post sa kanyang Instagram page last Wednesday ay ibinahagi ng aktor/pulitiko ang kanyang mga magagandang alaala sa yumaong magaling na aktres at kung paano nagsimula ang kanilang friendship.

“Still devastated. Still grieving from the loss of a friend. Still can’t believe it,” simula ng Kapuso actor.

“Cherie and I worked together in the internationally award-winning film, Kaputol, directed by Mac Alejandre @macalejandre, in 2019. Dito kami naging close.

“Kaming dalawa ang main cast ng movie na ito written by National Artist, Ricky Lee. As an actor, bilib na bilib ako sa kanya. Lalo na on how she approached the craft. Grabe focus niya sa character and she really is one of the best actresses in Philippine cinema history. I’m proud to have worked with her several times. The last project we did together was GMA’s Legal Wives,” patuloy niya.

Nagbalik-tanaw si Alfred sa mga pinagsamahan nila ni Cherie sa mga panahong kasama niya ito set.

“The times that I really appreciated Cherie were the times behind the scenes. In between takes. The long tengga hours of wai­ting on the set.

“She was such a lady who knew how to converse. She imparted wisdom naturally and eloquently. She was so sincere in everything that she said you always knew that she spoke the truth. She’d tell you straight out with honesty what she thinks and how she feels. It doesn’t matter if it pleased you or not. No BS with Cherie. That’s what I liked about her,” pagbabahagi ni Alfred.

Tandang-tanda pa rin niya ang huling pag-uusap nila ni Cherie sa set ng Legal Wives without knowing na hindi na pala niya ito muling makakausap.

“The last conversation we had was on the set of Legal Wives. While waiting for our scene beside Lake Caliraya, we talked about sustainable development and how this new pinoy company is making innovations in terms of ecology-friendly house designs.

“Her face lit up telling me about her farm in Bukidnon and how she loved staying there. She also shared to me her plans that time of going to New York. She wanted to study further and live the New Yorker life. We laughed a lot that afternoon until I was called to shoot my scene.

“Little did I know, yun na pala ang huling beses kong makakasama ang aking kaibigan na si Ms Cherie Gil.

“Rest in peace, Cherie. Til we meet again. Sharing with you guys some of our clips in Kaputol,” pagtatapos ni Alfred.

ENRIQUE GIL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with