^

Pang Movies

Ex-beauty queen na si Sandra Seifert, matagal itinago ang anak nila ni Cesar sa Amerika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ex-beauty queen na si Sandra Seifert, matagal itinago ang anak nila ni Cesar sa Amerika
Sandra at Corinth

Ang tagal ding itinago ng beauty queen na si Sandra Seifert ang tunay na identity ng kanyang anak.

Noon pa namang una, tsismis na iyan na siya ay nabuntis nga rin ni Cesar Montano matapos makipaghiwalay sa dating asawang si Sunshine Cruz. Siguro ang dahilan nga ng paglilihim noong una, hindi pa annulled ang kasal ni Cesar kay Sunshine at ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ni Sandra ay maaaring pagmulan pa ng kaso.

Nagpunta nga sa US si Sandra, kasama si Cesar, pero naiwan na siya roon para manganak. Noong manganak naman si Sandra, nabalita rin sa US, at dahil sa nag-iisa nga siya roon, tinulungan siya diumano ng isang pastor at mga elder ng 7th Day Adventist Church na kanyang kinabibilangan. Dito sa Pilipinas ay hindi alam iyan. Puro tsismis lang ang naririnig.

Maski nga si Kuya Germs  (German Moreno) noon, ayaw maniwala sa tsismis na diumano ay buntis si Sandra. Ang beauty queen ay naging co-host din niya sa Walang Tulugan. Ang sinasabi noon ni Kuya Germs, si Sandra at maging ang kanyang kapatid na naging kasali rin sa show ni Kuya Germs, ay matitinong bata at hindi masasabit sa mga ganyang bagay.

Pero mali, dahil totoo ngang nagbuntis si Sandra at nanganak sa US. Iyon ay ang kanyang anak na si Corinth.

Nang magbalik si Sandra sa Pilipinas, muling umugong ang tsismis, pero naging magulo dahil noong panahong iyon may kasama na ngang iba si Cesar, ang partner niya ngayong si Socorro Angeles.

Naungkat lang ulit nang may magtanong kay Sandra kung siya iyong babaeng nakahubad sa isang viral video noong araw, nag-deny siya at totoo namang hindi siya iyon. Hindi naman sila nagsama ni Cesar. Pero ngayon lantad na ang anak nilang si Corinth.

Sanib-puwersa...

Nagkaroon na ng pormal na announcement ng pagbabakas ng ABS-CBN, na isa na ngayong content producer, at ng TV5. Natatandaan naming noong una, ang gusto ng Media Quest ay sila ang controlling partner at hahawak ng 65%, at 35% lang sa mga Lopez, pero may sources kami na nagsabing nagkasundo naman daw sa 50-50. Pero mayroon pa ring kasama, igi-give up na ng ABS-CBN ang Sky Cable, para i-absorb ng Cignal, ang satellite medium ng TV5.

Direktor, takbuhan ng aktor na nagigipit

Maligayang-maligaya si direk noong isang araw, dahil ang baguhang male star na napakatagal na niyang pinapantasya ay bumigay na rin sa kanya finally.

Wala kasing masyadong raket ang male star, at nangailangan ng pera. Tumakbo kay direk.

Sana naman, ang ibinigay ni direk sa male star ay hindi ang pambayad nila ng upa sa bahay, baka maulit na naman ang nangyari sa kanila noon ng kanyang live-in partner na pinagbabato siya ng plato at mang­kok sa bahay.

SANDRA SEIFERT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with