^

Pang Movies

Marian, pangabog ang birthday!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, pangabog ang birthday!
Marian Rivera.

Beautiful. Perfect. Diyosa. Ilan ‘yan sa komento ng celebrities sa latest Instagram pictures ni Marian Rivera na nakasuot ng puting damit na may pasabog na malaking ribbon!

Para naman sa isang netizen na sinegundahan ang komento ni Mariel Padilla na perfect ang beauty ni Yan, “She looks like 26 years old. Omg super ganda po talaga.”

Ang pictures na inilabas ni Marian eh bilang paghahanda sa nalalapit niyang kaarawan ngayong araw, Agosto 12.

Wala pa kaming nakukuhang impormasyon kung ano ang plano ni Yan sa darating na kaarawan. For sure, marami na naman siyang kakabugin sa birthday niyang ito!

Happy, happy birthday, Yan Yan!

Rayver, nagpaalam sa mga magulang ni Julie Anne bago dyinowa

Totohanan na ang panliligaw ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose!

Inamin ni Rayver sa podcast ni Nelson Canlas na nagpaalam na siya sa mga magulang ni Julie Anne upang ligawan ito.

Sa pahayag ni Rayver, si Julie Anne ang una niyang naging ka-close nang lumipat siya sa GMA. Lalo na silang naging malapit sa isa’t isa nang makasama niya ang Asia’s Limitless Star sa Siquijor para sa musical trilogy ng aktres.

Nagsimula sa tuksuhan, kantiyawan lalo na kapag magkasama sina Julie at Rayver sa All-Out Sundays!

Eh kapwa malaya naman sina Julie at Rayver, kaya puwede nang i-level up ang kanilang friendship, huh!

Tutal naman, may Paulo Avelino na rin si Janine Gutierrez na ex-GF ni Rayver!

Karapatan din namang lumigaya ni Rayver!

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with