^

Pang Movies

Xian, sumemplang sa training

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Xian, sumemplang sa training
Xian Lim

Nakakaaliw ang training ni Xian Lim ng ska­ting para sa sportserye ng GMA 7 na Frozen Love dahil may tali siya sa baywang niya at ‘yung tali, hawak ng isang tao, hindi kami sure kung ang taong ‘yun ang trainor ni Xian. Sumemplang kasi si Xian sa isa sa mga training niya, kaya siguro kinailangang maging careful na siya at talian ang waist niya.

Naglalaro si Xian ng ice hockey, pero sabi nito, iba ang ice hockey sa skating, kaya he has to train. Kahit nga ang leading lady niyang si Ashley Ortega na magaling sa figure skating, kailangan ding mag-training.

Kasama nina Ashley at Xian sa Frozen Love si Skye Chua na sabi ng Google, member ng Philippines National Figure Skating Team. Pansin namin, kamukha niya ang GF ni Xian na si Kim Chiu.

Luis at Jessy, magkaka-baby na

Pareho ng post sa Instagram kahapon sina Luis Manzano at asawang si Jessy Mendiola, black and white picture nila noong kasal yata nila, magka-holding hands at seryoso. Pareho rin ang caption nilang “A new chapter.”

Ipinaalala ni Luis na malalaman ang ibig sabihin ng caption nila ni Jessy sa vlog ni Jessy kagabi ng 7:30 p.m.

May mga nag-congratulate na nga kina Luis at Jessy, si Bianca Gonzalez, napa-“OMG,” si Robi Domingo nag-post ng emoji na nakataas ang mga kamay. Mayrooon ding nagbanggit ng baby bump at may nag-comment ng “Little one is coming.”

By now, alam na ang “new chapter” na tinukoy nina Luis at Jessy at kung totoong buntis si Jessy, sobra sigurado ang tuwa ni Vilma Santos na matagal nang gustong magkaroon ng apo. Magiging lolo na rin si Edu Manzano!

Mikael at Ruru, nagpaiwan sa Korea

Nakabalik na sa bansa ang cast members ng Running Man Philippines, maliban kina Mikael Daez at Ruru Madrid. Nagpaiwan pa sa South Korea ang dalawa na parehong kasama ang kanilang lady love.

Sabi ni Mikael, “As Running Man taping ends today, Boneezy flew over to Seoul once again so we can go on our own samgyyupsal adventures. Will be sharing our stories soon!”

So, bumalik pala si Megan Young sa South Korea pagkatapos niyang bisitahin si Mikael at siguradong iikutin nila ang iba’t ibang coffee shops sa South Korea dahil parehong coffee lovers  ang mag-asawa.

Si Ruru naman, gusto sigurong magkaroon sila ng more time together ng girlfriend na si Bianca Umali na lumipad pa-South Korea a few days ago, bago matapos ang taping ng Running Man Philippines.

Pinost ng dalawa ang sweet moments nila, magka-holding hands na naglalakad at ‘yung nakaupo lang sila, humilig si Bianca sa dibdib ni Ruru at ‘yun, kinilig na ang mga kaibigan nila at kanilang fans.

Sa Sept. 3 and 4 ang world premiere ng Running Man Philippines na para sa taping, six months silang nag-stay sa South Korea.

Sharon at Kiko, kanya-kanyang bonding sa anak

Nag-father duty si Kiko Pangilinan nang ihatid sa school si Miel, ang bunso nila ni Sharon Cuneta. Pinost ni Kiko ang photo nila ni Miel habang sakay sa car on their way to school.

Si Sharon naman, habang nasa Amerika, naka-bonding ang panganay na si KC Concepcion

Maganda ang pagkikita nina Sharon at KC at kahit malungkot si Sharon sa pagkamatay ni Cherie Gil, masaya ito sa kanila ni KC.

XIAN LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with