^

Pang Movies

Julie Anne, walang puknat ang trabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Non-stop ang success ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose. Sabi pa, bukod sa lucky in love si Julie, very lucky rin ang Sparkle star na tumanggap ng Silver Award para sa kanyang Limitless: A Musical Trilogy, mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards.

Kasunod nito ang special collaboration niya kay Gary Valenciano, na dream come true niyang makatrabaho ang singer-songwriter na siyang sumulat ng kantang Di Ka Akin, na ngayon ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music streaming platforms.

Balik-acting din si Julie dahil kasama siya sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra na siya ang gaganap na Maria Clara, at makakatrabaho niya si Kapuso Drama King Dennis Trillo as Ibarra at si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, as Klay na papasok sa mundo nina Maria Clara at Ibarra. Nagsimula na silang magtaping ng fantasy series.

At sa Sept. 24 and 25, GMA Pinoy TV will present the US concert Together Again ng judges ng The Clash, sina Lani Misalucha, Rayver Cruz at Julie Anne, with special guests Dingdong Dantes and Bea Alonzo, sa Pechanga Theater ng Pechanga Resort Casino sa Temecula, California, produced by Starmedia Enterprises.

RMP, tapos na ang taping

Thankful ang group ng Running Man Philippines, na nakatapos muna silang mag-shoot ng biggest reality game show for 2022, bago lumakas ang ulan sa South Korea at binaha ang ilang lugar doon. Participants sa nakaaaliw na missions sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Mikael Daez. Sa show, ipakikita ng bawat isa kung paano sila naging competitive, yet in-enjoy nila at nabuo ang kanilang pagkakaibigan habang nagtatrabaho. Tuwing Saturdays at Sundays mapapanood ang Running Man Philippines na ang world premiere ay sa Sept. 3.

Dominic, excited makatrabaho si Carmina

Happy and thankful si Dominic Ochoa na muling makatrabaho si Kapuso actress Carmina Villarroel, he accepted daw the offer without hesitation, at malaking tulong para sa kanya na kilala na niya ang makakatrabaho niya sa GMA Afternoon Prime na Abot Kamay Na Pangarap, na pangungunahan nina Carmina at Jillian Ward, na gaganap na mag-ina. “I’ve known Carmina for quite sometime, nagkatrabaho na kami sa isang movie in 2020, a special movie kasi pandemic pa noon, lock-in kami,” kuwento ni Dominic sa interview. “Actually, nalaman ko ito sa wife ko, pero sabi ko wala pa namang tumatawag sa akin. After a week natanggap ko ang tawag, at tinanggap ko agad. Salamat na muli kong makakatrabaho si Carmina, si Richard Yap at makasama ang iba pang Kapuso stars.”

Sina Richard at Dominic ang magiging leading men ni Carmina sa serye.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with