^

Pang Movies

Mariel mas busy sa pagla-live selling ng Pre-loved luxury items, inisnab ang election ng Senate Spouses Foundation

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mariel mas busy sa pagla-live selling ng Pre-loved luxury items, inisnab ang election ng Senate Spouses Foundation
Mariel

Hindi dumalo si Mariel Rodriguez sa election ng new set of officers ng Senate Spouses Foundation Inc. ng 19th Congress.

Parang mas abala si Mariel sa kanyang live selling ng pre-loved items sa kanyang Facebook page na may 5 million followers kasabay ng kanyang 38th birthday.

The other night ay nag-live selling si Mariel kung saan meron pa siyang glam team.

Pero paano kaya ‘yun, nauna nang sinabi ng META Platforms Inc. noong Lunes na hindi na papayagan ng Facebook ang mga user na nagla-live selling beginning Oct. 1.

Bagama’t ‘di naman daw nito apektado ang Instagram kaya puwedeng sa IG magbenta si Mariel.

May 4 million followers naman si Mariel sa Instagram.

Anyway, ang mga bagong opisyal ng SSFI ay sina–President- Audrey Tan Zubiri

Vice President- Gladys Cruz-Villanueva

Secretary- Tootsy Angara

Treasurer- Kathryna Yu-Pimentel

Legal Counsel- Atty. Emily Aglipay-Villar

Assistant Secretary- Mar Tulfo

Public Relations Officers - Pepito Angeles & Neil Llamanzares.

Kung sabagay hindi rin naman official si Cong. Lani Mercado, Heart Eva­ngelista at Precy Ejercito.

Samahan ng mga asawa ng senador ang SSFI.

Liza, fina-follow na nina Cole at Kathryn!

Wala pa ring kumpirmasyon na nanggagaling sa kampo nina Liza Soberano at manager nitong si James Reid tungkol sa speculations na makakasama si Liza sa upco­ming movie na Lisa Frankenstein na bida ang American actors na sina Cole Sprouse and Kathryn Newton.

Nag-umpisa ang ispekulasyon tungkol dito sa pag-tag kay Liza ni Jessie Stafford ng event production agency na JSLA Events sa isang Instagram Stories noong Agosto 9.

Although naka-tag din sa nasabing IG story ang Transparent Arts na nagha-handle kina Liza at James Reid.

 Pero nang i-upload ito ng Holywood actor na si Cole Sprouse sa kanyang IG story si Kathryn Newton lang ang naka-tag at wala naman si Liza.

Though parehong naka-follow kay Liza sina Cole and Kathryn sa Instagram na nagpapalakas ng isyu na pasok nga si Liza sa nasabing Hollywood film.

Matteo, sasalang na sa unang hirit sa lunes

Sa Lunes na mag-uumpisang mapanood si Matteo Guidicelli sa Unang Hirit ng GMA 7.

Ito ang kinumpirma ng isa sa mga host ng morning show ng Kapuso network na ‘di puwedeng banggitin ang pangalan.

Finish contract na raw kasi ang ibang segment host ng programa kasama na sina Kaloy Tingcungco at Jenzel Angeles.

Pero wala pang official announcement ang GMA 7 tungkol dito.

Coco, inuubos ang mga kalaban

Winasak muli ng FPJ’s Ang Probinsyano ang sarili nitong viewership record sa Kapamilya Online Live sa YouTube matapos itong magtala ng all-time high na 367,018 live concurrent viewers sa episode noong Agosto 5 (Biyernes). Inaabangan na ng mga manonood kung ano ang magiging kapalaran ni Coco Martin sa serye, na nasa huling linggo na.

Sa naturang episode, tinutukan ng mga manono­od ang karumal-dumal na pagkamatay ng dalawang mortal na kaaway ni Cardo (Coco) na sina Armando (John Estrada) at Lily (Lorna Tolentino). Mainit na pinag-usapan sa social media ang maaaksyong eksena dahil nakapasok sa trending topics sa Twitter Philippines ang #FPJAP7Paniningil, Cardo, John Estrada, at Armando.

Ang Darna ang papalit sa FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Lys nina Gab at Khalil, finale na!

Hindi dapat bumitaw ngayong Huwebes (Aug. 11) dahil finale na ng Love You Stranger na pinagbibidahan nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Gil Cuerva. “The truth shall set everyone free” nga dahil nabunyag na ang mga sikreto sa likod ng misteryo ng “lilom” sa Sta. Castela.

Tinututukan ng viewers gabi-gabi ang first-ever primetime TV series ng GabLil couple.

Marami ang humanga sa kuwento ng serye na bukod sa mystery at drama ay tumatalakay rin sa mental health. Ipinakita ng serye ang pagmamahal sa pagitan ng mag-inang si Lorraine (Andrea del Rosario) at LJ (Gabbi) gayundin ang posibleng bunga ng ‘di magandang pagpapalaki ng anak na nakita naman sa mag-amang sina Alfie (Tonton Gutierrez) at Tristan (Gil).

Ngayong alam na ng lahat ang mga ginawa nina Alfie, may chance pa kayang magkaroon ng happy ending ang pamilya ni LJ? Ano kaya ang mangyayari sa kanila ni Ben (Khalil) lalo na’t saksi pala ang binata sa nangyari kay Lorraine noon?

Tutok na sa Love You Stranger finale ngayong Huwebes, pagkatapos ng Bolera sa GMA Telebabad.

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with