^

Pang Movies

Jane, walang dapat ikatakot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jane, walang dapat ikatakot
Jane

Kahit ano pang sabihin, palagay ko magiging big hit ang Darna ni Jane de Leon.

Maganda ang mukha, perfect ang katawan, at sure ako na talented kaya ano pa ang hahanapin mo sa isang Darna.

Kahit kailan ito ilabas, sure na big hit ito, kaya hindi dapat matakot si Jane.

Ang isang mabait na tao na tulad ni Jane hindi mabibigo sa kanyang pangarap.

Lagi na may nakalaang magandang bagay sa mga taong tulad niya.

Basta fan mo ako Jane, promise.

Alden at Direk Lino, bongga ang taste

Naku, Salve, talagang fan na ako ni direk Lino Cayetano. Ang bait niya talaga, at para tuloy na-sad ako dahil parang sobrang seryoso niya sa sakit ko na kailangan kong mag-dialysis twice a week.

Naisip ko tuloy na baka nga dying na ako kasi parang lahat makarinig na twice a week ang dialysis ko parang iba ang nagi­ging facial expression.

Naku ‘pag na-dead ako, sure ako na isa sa magpapadala ng magandang flowers sina Alden Richards at Direk Lino Cayetano.

Kasi nga class na class ang taste nila kaya tiyak na bongga ang flowers ko, hah hah.

Talagang weirdo na ang takbo ng utak ko lately, baka dahil ito sa dialysis o sa rami ng gamot na iniinom ko. Or baka naman dahil tanggap ko na talaga kung ano ang darating. Wala na akong takot pa, hayan na siya, tanggapin ko na lang.

Basta, love ko si direk Lino Cayetano dahil ang bait nila talaga, bongga.

(Grabe, I doubt Nay. Di ka pa dying. Hahaha. Matagal daw ang buhay ng mga nanghaharbat ‘di ba? Saka antay ka pa ng mga oppa sa Korea. Hahaha. Cheer up. Keribel mo yan. Ikaw pa ba. Love yah. - Salve)

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with