^

Pang Movies

Free TV, hindi mabubura  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang pinag-uusapan nila, bakit daw ba sa kabila ng sinasabing katotohanan na higit na mataas ang ratings ng mga serye at shows sa Channel 7, madaling mawala ang mga iyon. Walang tumagal na kagaya ng Ang Probinsyano na pitong taon, at iba pang shows ng ABS-CBN na taon ang binilang gaya rin noong Mara Clara noong araw?

Bakit daw ang tingin ng mga tao, mas sikat ang mga dating artista at hindi man lang napapansin ang mga artista sa “rating shows,” in fact bihira sila sa commercial endorsements.

May isang factor na napakahalaga, pero hindi nila pinapansin, iyan ay ang transmission strength ng isang istasyon. Ang ABS-CBN, bago nawalan ng prangkisa ay may lakas na 150KW, at napakaraming provincial stations. Kaya hanggang liblib na lugar, napapanood sila. Ngayon nawala na lahat iyon, samantalang kalaban nilang GMA 7 ay nanatiling may 150KW power, natural iyon ang mas mapapanood. Marami ring provincial stations ang GMA, mas marami silang lugar na naaabot ngayon.

Iyan ay maliwanag na hindi sapat talaga ang bilang ng mga naka-cable, o may internet para mahigitan ang free TV.

Sikat ang mga artista ng ABS-CBN, kasi established stars na ang nasa kanila, samantalang nagde-develop pa lang ang GMA 7. In fact iyong established stars ng GMA, mga tumalon pa iyan sa kanila galing din sa Mother Ignacia. Iyong mga homegrown nila, hindi masyadong naasikaso in the past, although may sumikat din gaya ni Sanya Lopez.

Hindi naman nila lubusang maangkin sina Alden Richards at Maine Mendoza na napansin dahil sa independent produced na Eat Bulaga. Isa pa, nasaan na ngayon si Maine?

Binild up nila nang todo noon si Aljur Abrenica at Kris Bernal na wala namang nangyari. Binild up nila si Marky Cielo, na sa malas naman namatay agad. Pero napabayaan nila ang kagaya halimbawa ni Mike Tan na may potential naman.

Parang doon mahina ang GMA noong araw, sa pagbibigay ng buildup, at hanggang ngayon naman dahil dumadampot lang sila ng mga tumatalon mula sa ABS-CBN.

Malaki ang kaibahan ng ratings, iyan ay katunayan lamang na marami ang nanonood sa kanila. Hindi ibig sabihin ng mataas na ratings ay talagang sinusundan sila dahil sa program content.

Minsan may shows na walang kakuwenta-kuwenta, pero mataas ang ratings, kasi nalalagay sa malakas na istasyon at malakas na time slot, pero hindi ibig sabihin noon sikat na ang mga artista nila o shows nila.

Ang mabilis na pagpapalit ng mga istorya ay katunayan ng humihinang following ng isang serye, o nananatili mang malakas, ayaw namang bilhin ng advertisers. Kaya kaysa sa mawalan ng commercials pagkatapos ng contract nila, palitan na lang ng bago. Iyan ang sitwasyon sa ating local television.

Iyang ABS-CBN, nakikipag-collaborate sila ngayon sa TV stations na may prangkisa na mas ok kesa umasa sila sa mga manonood sa cable at sa internet.

Matagal pa bago maging majority sa Pilipinas ang cable subscribers, at sa kalagayan ng ekonomiya ngayon na marami pa ang walang trabaho, walang pinagkakakitaan, hindi pa nila maiisipan ang magpakabit ng cable.

Aasa pa rin sila sa free TV, at natural doon sila sa mapapanood nila nang malinaw kahit na bulok ang antenna nila.

Patron ng mga telebisyon at walang anak, ngayon ang kapistahan

Ngayon nga pala, Agosto 11, ang kapistahan ni Santa Clara of Assisi, ang patron ng telebisyon at mga walang anak.

Dapat iyang mga walang rating magsayaw kay Santa Clara. Iyong ratings din na walang sumeseryoso, magsayaw na rin.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with