^

Pang Movies

Markus, masaya para kay Janella  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Markus, masaya para kay Janella               

Naging open na si Markus Paterson sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Janella Salvador.

Nagkaroon ng pagdududa ang marami na hiwalay na ang dalawa dahil no-show si Janella sa naging birthday celebration ni Markus noong nakaraang June.

Sey ni Markus na ang importante ay pareho silang masaya ni Janella at nandyan sila para sa isa’t isa. “Ang importante lang sa aming dalawa na she’s happy, I am happy, our hearts are both happy. That’s important you know. We will always be there for each other no matter what.”

Sa sagot na ito ni Markus, nabitin pa rin ang mga nag-aabang na tunay na kasagutan sa relasyon nila ni Janella. Nais pa rin daw niyang gawing pribado ang nangyayari sa kanila ni Janella.

Sinagot din naman ni Janella ang mga tanong tungkol sa kanila ni Markus: “Okay naman kami, let’s leave it at that na lang muna. Basta okay kami. We are both happy as individuals. And our main priority is Jude. Masaya naman ako, at peace, very content.”

Anyway, handa na raw ang aktor sa mga bagong gagawin niya pagkatapos siyang natengga nang matagal.

“And life is good. So I am excited for this month. I am excited to start working again... This year so far has been a roller coaster ride but who doesn’t love roller coaster? Masaya naman ‘yon.”

Katrina, matagal nang bait-baitan

Maraming nakaka-miss kay Katrina Halili sa pagganap nito bilang kontrabida. Pero muli siyang binigyan ng mabait na role sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Unica Hija bilang protective mother ni Kate Valdez.

Tatlong taon na raw na hindi lumalabas na kontrabida si Katrina sa teleserye. Huli pa raw siyang naging super kontrabida ay sa teleserye na The Stepsisters noong 2018 pa.

Unti-unti na raw nakakawala si Katrina sa pagganap na kontrabida tulad sa mga teleserye na Marimar, Rosalinda, Majika, Munting Heredera, Destiny Rose, D’ Originals, My Beloved, Gagambino, Sa Piling Ni Nanay, Magkano Ba Ang Pag-ibig?, Dwarfina at Beauty Queen.

Sey pa ni Katrina: “Sanay naman ako sa salbahe. Thankful ako na parang maganda siguro ‘yung impact ng Prima Donnas kaya binigyan nila ‘ko ulit ng another mabait na role,” aniya sa bagong gagampanang role.

MARKUS PATERSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with