^

Pang Movies

O may hollywod movie na ba talaga? Liza Soberano na-wrong tagged sa Lisa Frankenstein?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
O may hollywod movie na ba talaga? Liza Soberano na-wrong tagged sa Lisa Frankenstein?!
Liza

Wrong tagging lang kaya si Liza Soberano sa post para sa upcoming movie na Lisa Frankenstein kasama ang American actor na si Cole Sprouse?

Nag-umpisa ang ispekulasyon tungkol sa diumano’y pag-tag kay Liza ni Jessie Stafford ng event production agency na JSLA Events sa isang Instagram Stories kahapon, Agosto 9.

Although naka-tag din sa nasabing IG story ang Transparent Arts na nagha-handle kina Liza at James Reid.

Nag-congratulate rin ang fan page ni James kay Liza : “Congratulations Careless Artist’  @lizasoberano  for landing a role in Focus Features’ Lisa Frankenstein! Written and produced by Oscar winner Diablo Cody, produced by Mason Novick, starring Cole Sprouse and directed by Zelda Williams.starring Cole Sprouse and directed by Zelda Williams.”

Bongga kung true ito.

Heart, sinadyang ibalik sa dati ang pangalan para sa international branding?!

Parang may balak magtagal sa Paris si Heart Evangelista.

Nabanggit niya na nagpaplano siyang maghanap ng apartment sa Paris sa isa niyang Reel video.

At ito pa, sinadya raw talaga nitong tanggalin ang Escudero sa kanyang Instagram account dahil for international branding.

Bale Heart Evangelista na lang ang IG name ni Heart.

Puwede. Para nga naman walang confusion.

In all fairness, mabait din ang asawa niyang si Sen. Chiz Escudero na kung totoo ito, pumayag siyang tanggalin ang apelyido niya para sa career ni Heart.

Siguro nga advantage ni Heart na mas matured ang mister niyang pulitiko kaya wala lang ito sa senador.

In demand ngayon si Heart sa Europe at talagang napi-feature siya sa mga international fashion mag /website.

Siya lang ata ang Pinoy celeb na nakarating sa ganito kataas na status sa fashion world sa Europe.

Jane de Leon, ingat lumaki ang ulo!

Mapapanood na ang Darna: The TV Series kung kailan sinasabing ghost month.

Matagal bago nagtuloy ang taping nito na ang unang plano ay pelikula pero ‘di natuloy.

Una sanang magbibida si Angel Locsin pero nagkaroon  ng spine problem kaya pinalitan ni Liza Soberano.

Pero naudlot din nang mapilay ang isang daliri nito sa ginagawa niyang teleserye noon.

Nagkaroon ng pandemya at nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Nakailang palit din sila ng direktor.

Pero itong-ito na, sa Aug. 15 ay mapapanood na ang kwento ng iconic Pinay superhero na si Darna na matutunghayan simula Lunes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV at TV5.

“Marami po kayong aabangan pagdating sa effects, costumes, villains, at syempre sa bagong istorya ng Darna,” ayon sa bidang si Jane de Leon na gagam­panan ang papel ni Narda Custodio at ang superhero alter-ego niyang si Darna.

Nagbigay naman ng sorpresang video message ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa media conference ng Darna noong Lunes ng hapon na apat na beses gumanap na Darna. “‘Yung pagiging Darna, relevant ‘yan, lalo na ngayon na napupuno tayo ng challen­ges sa buhay. Ang karakter niya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao.” Dagdag mensahe pa ng batikang aktres, “Jane, na sa’yo na ang bato, Pangalagaan mo ‘yang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon.”

 Pero pangako ni Jane, ayaw niyang lumaki ang ulo sa kabila ng mga papu­ring natatanggap lalo na na nga naka-10 million views na ang trailer na inilabas nila noong nakaraang buwan.  “Una po talaga sa lahat, lagi ko po talagang nire-remind ‘yung sarili ko na ‘wag na ‘wag po talagang lalaki ang ulo ko. Dapat po talaga stay humble lang kasi nire-remind ko po ‘yung sarili ko kung saan ba talaga ako galing, kung ano  ‘yung pinagdaanan ko. For me, gagampanan ko lang naman po ang isang role. Basta ‘yun nga po stay humble and ipagpatuloy ko lang po kung ano ‘yung kailangan kong gawin,” aniya.

KC, dinamayan si Sharon sa pagluluksa

Dinamayan ni KC Concepcion ang inang si Sharon Cuneta na nagluluksa pa rin sa pagkawala ng bestfriend niyang si Cherie Gil.

Nagkita sila sa US. “A little HAPPY during days of grieving,” caption ni Sharon sa pagkikita nila ng panganay na anak.

Samantala, may house tour request naman ang followers ni KC sa kanyang bagong place sa West Hollywood, California.

LIZA SOBERANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with