^

Pang Movies

Janella, na-drain sa pagiging babaeng ahas   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janella, na-drain sa pagiging babaeng ahas              
Janella

Ginulat ni Janella Salvador ang entertainment press nang rumampa siya sa red carpet ng Mars Ravelo’s Darna grand mediacon na may dalang ahas na nakapulupot sa kanyang braso at gumagalaw pa.

Nagsigawan nga ang mga tao at natakot sa dala niyang alagang ahas.

Si Janella kasi ang guma­ganap sa iconic role na Valentina, ang babaeng ahas na as we all know ay isa sa mga matitinding kalaban ni Darna.

Mabuti na lang at hindi na niya kasama ang ahas sa presscon proper at pinauwi na raw niya ito.

As Valentina, inamin ni Janella na talagang matindi rin ang pressure na naramdaman niya sa pagganap sa kanyang role lalo pa nga’t ang mga aktres na naunang gumanap ng nasabing iconic character ay mga mahuhusay rin tulad nina Celia Rodriguez, Pilar Pilapil, Pilita Corrales at Alessandra de Rossi.

“We all know how iconic the role of Valentina is. Knowing that the pre­vious Valentinas were all so amazing and the character became iconic because of the way they portrayed it, of course I want to make it my own. At the same time, gusto ko tumatak siya. Nandoon ‘yung pressure,” saad ni Janella.

Bilang makabagong Valentina, tulad ni Darna na ginagampanan ni Jane de Leon ay may alter-ego rin si Janella na si Regina, isang lawyer/vlogger na kaibigan ni Narda (alter-ego ni Darna).

“Aside from the fact that it’s physically draining, it’s actually a very complex cha­racter. It’s quite difficult to act as her. It’s emotionally draining as well,” sey ni Janella.

Mula sa direksyon ni Chito Roño with Avel Sunpongco at Benedict Mique, lilipad na ang Mars Ravelo’s Darna sa Aug. 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

La Traidora, magpapainit ng kalamnan

Raratsada na ang AQ Prime Stream at magsisimula na itong magpasabog at magbigay aliw. Sa katunayan sa halagang P100 na promo price ay mai-enjoy ng tatlong buwan ang lahat ng mga pelikula at mga programa sa pinakabagong digital entertainment ng bansa.

Isa sa mga unang pasabog ay ang pelikulang La Traidora na gawa ni Alejandro “Bong” Ramos. Ang titindi ng mga eksena ng mga bidang sina Joni McNab at Juan Calma sa pelikula at tiyak na paiinitin ang kalamnan ng mga manood.

Bigay na bigay ang dalawang sexy star sa kanilang mga daring scene. Palaban itong si Joni sa napakaraming maiinit niyang eksena. Maluluma ang isang acrobat sa mga ginawa niyang style sa pakikipag-sex.

Ito namang si Juan Calma ay may pinasilip na tiyak na pagkakaguluhan ng mga kababaihan at kabadingan.

Isa pa sa dapat abangan ang pakikipagharutan ng isa sa mga cast din ng pelikula na si Mia Aquino. Hubad kung hubad ang ginawa niya. Wala ring kiyeme at hindi nagpatalbog sa co-star niyang si Joni.

Bukod pala kina Joni, Juan at Mia, kasama rin sa pelikula sina Ricardo Cepeda, OJ Arci at Brylle Mondejar. Mapapanood na ang La Traidora ngayong Aug. 8. I-download lamang ang AQ Prime sa Apple at Google Play Store.

JANELLA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with