^

Pang Movies

Aktor, nakabili ng luxury car noong kainitan ng pandemya

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nabubuwisit ang ilang showbiz personalities na naging malapit sa isang magaling na aktor.

Eh ni hindi man daw sila naalala noong panahong kasagsagan ng COVID -19 at natengga sa trabaho. May tinutulungan naman daw ang aktor pero piling-pili lang ito.

Ang lalong ikinangitngit ng ilang kaibigan nito sa showbiz, nabalitaan nilang bumili ng luxury car ang aktor nu’ng kasagsagan ng pandemic, huh!

Umiirap-irap na lang ang mga kausap namin habang kinukuwento ang paglimot sa kanila ng aktor pero may pambili ng mamahaling sasakyan, huh!

Andrew at Jho, maraming gustong tumulong

Hindi lang tinutukan sa TV, pinusuan pa online ang nakaraang episode ng Magpakailanman na Every Breath You Take.

Nakakadurog nga naman ng puso ang kuwento ng actor na si Andrew Schimmer at sa asawang si Jho Rivero.

Mataas na ang ratings nito na 14.3% at marami rin ang nagnais magbigay ng pinansiyal na tulong sa mag-asawa.

Ngayong Sabado, ang kuwento naman ng isang inang unti-unting nabulag at tampok na sina Lara Quigaman at Neil Ryan Sese.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with