^

Pang Movies

Dalawang pelikulang Tagalog, nangabog sa takilya!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maaari naman palang kumita ang pelikulang Pilipino. Kung dati sinasabi nilang laging mas malaki ang kita ng mga pelikulang kano kaysa sa local, ngayon dalawang pelikulang Pilipino ang nagsasabing kumita sila ng daang milyon sa takilya.

Nagulat kami na pa-block block screening lang ang isang indie, ibig sabihin inuupahan nila ang sinehan at nagbebenta sila ng tickets para sa isang screening lamang, pero ang pralala nila sa social media ay daang milyon na ang kita nila.

Hindi naman sa hindi kami naniniwala pero parang himala iyan, dahil nang unang ilabas ang pelikulang iyon sa sinehan noong nakaraang taon, na-pull out dahil wala ngang nanonood.

At kung totoong daang milyon na ang kinita nila ngayon, ang kanilang marketing strategy ay kailangang matutuhan din ng ibang gumagawa ng indie para naman hindi sila nagtitiyaga sa internet lang.

Iyong isang pelikula naman, walang dudang may political support, at batay sa usapan mukhang ang pinakamalaking suporta nila ay nanggaling sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce, na siyang nag-sponsor sa mga mag-aaral kahit na wala pang face-to-face classes para sila makapanood nang libre. Aba eh talagang pipilahan nga iyan.

Ang punto naman namin, puwede palang umayuda ang gobyerno sa pelikula, bakit hindi nila ginawa iyan noong araw?

Hindi mo masasabing high budget na mga pelikula iyan. Hindi mo matatawag na monumental production. Kuwento lang iyan ng mga kasambahay, pero tingnan ninyo, pinanood din ng mga tao.

Ang pelikula talaga, nasa marketing strategy, pero aywan nga ba kung bakit hindi natutuhan ng mga mas batang producers at mga baguhang director ang dating sistema para kumita ang mga pelikula.

Tom, rumaraket-raket muna sa Amerika

Nagkakasunud-sunod yata ang posts ngayon ni Tom Rodriguez sa kanyang social media account. Noong isang araw ay sinabi niyang nahihilig siyang muli sa musika. Ipinakita pa niya ang isang video na tumutugtog siya ng piano.

Tapos nagsabi rin siyang hindi tama para sa isang tao na husgahan ang kanyang kapwa nang hindi naman niya alam ang puno’t dulo ng problema.

Hindi man diretso, parang sinasabi ni Tom na mali ang ginawang mga tsismis tungkol sa kanya noong una pa. Tapos sinabi rin niyang matagal pa bago siya bumalik sa Pilipinas, dahil sa tingin niya ay hindi pa ito ang tamang panahon.

May mga kaibigan na nagsasabing ok naman daw ang buhay ni Tom sa US at tumatanggap ng mga raket-raket, at kung uncertain pa nga rin naman ang kanyang sitwasyon dito, bakit naman siya nagmamadaling bumalik?

Male star, hanggang sa social media muna nagpapapansin

Parang nakabitin sa balag ng alanganin ang career ng isang male star sa ngayon. Matapos na gumawa ng isang gay series, may natapos pa siyang isa pang gay film, at isa pang pelikula pero hindi naman maipalabas ang mga iyon.

Nakuha siya sa TV sa isang minor role, pero hindi naman nagtagal dahil hindi nag-rate ang kanilang serye.

Ngayon puro post na lang siya sa social media sa pag-asang may makapansin sa kanya. Kung hindi raw mag-a-abroad na lang siya.

TOM RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with