^

Pang Movies

May problema kaya? Heart, tinanggal si Escudero sa kanyang IG!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
May problema kaya? Heart, tinanggal si Escudero sa kanyang IG!
Heart

Malaking isyu sa supporters nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero na wala na ang Escudero sa DP ng Instagram account ni Heart.”Heart Evangelista” na lang ang nakasulat, pero nakasulat pa naman sa DP ang “Wife.”

 Saka sa Twitter ni Heart, may Escudero pa naman sa Twitter handle niya. Wala naman sigurong dapat ikabahala ang mga nagmamahal sa Escudero couple. Tama lang ang comment ng isang netizen na baka nagpalit lang ng IG handle si Heart.

 Saka, sa sobrang sikat nina Sen. Chiz at Heart, konting kilos lang nila, nababalita at kung may tsismis sa kanilang pagsasama, siguradong matagal nang nababalita.

 Magkasama sina Heart at Sen. Chiz sa GMA Thanksgiving Gala Night at walang naamoy ang mga tao sa event sa dalawa.

Naku, hintayin na lang ang sagot ni Heart sa pag-alis niya ng Escudero sa IG handle niya.

Hindi yata ito aware na big issue ito sa mga nagmamahal sa kanila ni Sen. Chiz.

Julie Anne, dream come true ang collab kay Gary

Streaming na on all digital platforms ang collaboration nina Gary Valenciano at Julie Anne San Jose ng kantang Di Ka Akin, under Universal Records. First time ang collab na ito ng dalawa at sa rami ng kanilang supporters, siguradong magna-number one.

Sabi ni Julie, “I wrote this song last year and it has finally come to life. Still feels

surreal... collaborating with @garyvalenciano is definitely a dream come true.”

Isa sa nag-congratulate kay Julie ang boyfriend niyang si Rayver Cruz na sinagot ni Julie ng “@rayvercruz thanks pumpkin.”

Tanong tuloy ng fans kung pumpkin ba ang terms of endearment ni Julie sa BF.

Hirit pa ng JulieVer shippers, sana sa susunod na susulat ng kanta si Julie, collab naman nila ni Rayver.

Oyo, pinagmalaki ang ganda ng misis

 Flinex ni Oyo Sotto ang kagandahan ng asawang si Kristine Hermosa. Pinost nito ang photos ng asawa at “So gorgeous” lang ang caption, pero marami ang nag-agree.

 Kabilang ang pinsan ni Oyo na si Ciara Sotto na ang sabi, “Superrr” at sabi naman ni Ara Mina, “Super duper beautiful ng sis Tin ko.”

 Para sa netizens, si Kristine ang pinakamagandang aktres sa Pilipinas, wala raw kupas ang ganda nito kahit may mga anak na. May nag-comment pa nga ng “The most beautiful woman in the world” na walang nagreklamo.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with