^

Pang Movies

Vice naglambing sa asawa matapos magka-fan sa korean actor   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice naglambing sa asawa matapos magka-fan sa korean actor            
Cha Eun Woo

Fan din pala si Vice Ganda ng sikat na Korean actor/singer na si Cha Eun Woo na nagbida sa hit K-drama na Gangnam Beauty at True Beauty.

Nagpaka-fangirl talaga si Vice Ganda dahil dumalo siya sa fanmeeting ni Cha Eun Woo na Just One 10 Minute - Starry Caravan in Manila held last Saturday sa Araneta Coliseum.

Makikita sa mga Instagram Story ni Vice Ganda ang mga kuha niya ng videos ni Cha Eun Woo habang nanonood sa audience.

Halata ring nag-enjoy siya dahil in one video ay maririnig pa ang kanyang sigaw.

May mga larawan din si Vice na nakunan ng ilang fans at makikitang nasa pinaka-front row siya ng seats.

Nag-tweet din si Vice ng papuri sa Korean actor na aniya ay mala-anghel daw ang kagwapuhan.

“Grabe si Cha Eun Woo!!! Sobrang ganda ng fez! Pakpak na lang kulang anghel na! Malala!” tweet ni Vice.

Nag-video rin ang TV host nang makauwi na siya sa bahay with husband, Ion Perez, na aniya ay ang kanyang totoong “oppa.”

“I’m home na, with my baby. My real oppa,” sey ni Vice at naglambingan pa ang mag-asawa sa video.

Boy Abunda laging pinupuri

Sa hindi mabilang na pagkakataon, minsan pa ay pinahanga kami ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang panayam sa controversial filmmaker na si Darryl Yap na in-upload sa kanyang The Abunda Talk Channel sa YouTube.

Napakasarap panoorin ng dalawang personalidad na parehong matalino and articulate.

Si Kuya Boy sa kanyang napaka-relevant at napakahusay na pagbabato ng mga tanong at si Darry naman sa kanyang napakaganda ring mga sagot.

Maging ang mga netizens na nakapanood ay puring-puri ang dalawa at dumagsa talaga ang positive comments.

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with