^

Pang Movies

Bagong streaming platform na AQ, handang makipagbakbakan sa hubaran!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bagong streaming platform na AQ, handang makipagbakbakan sa hubaran!

Handa nang makipagbakbakan sa digital world ang AQ Prime streaming application nang magsimula ito kahapon, August 8, 2022, ganap na 8:00 AM kung saan puwedeng nang i-stream ang contents na ginawa nila.

Dalawang application ang inilunsad ng AQ Prime kahapon na may pang-general patronage at ‘yung isa eh R-18 ang mapapanood.

Ilan sa mga maaaring mapanood ay ang horror content na Huling Lamay na directed by Joven Tan at ilan sa bida sina Marlo Mortel at Lou Veloso. Kasado na rin ang Bingwit na sexy at La Traidora. Humarap din sa launching ang bagong artists ng AQ Prime.

Naging curious kami sa dalawang bidang lalaki sa Bingwit kung saan si Krista Miller ang kasama nila. May halikan kasi ang dalawang lalaki at sex scenes.

Magkakila raw ang dalawang baguhan at nagkasama sa isang pageant.  “Trabaho lang po ‘yon. Sexy siya (movie) at sexy kami kaya ginawa namin. Trabaho lang po,” sey ni Drei.

“Kay Krista kami parehas na may  naramdaman!” saad ni Rey.

Pumasok si Krista na kasama sa movie.

“May naramdaman po ako during love scenes. Ang maganda sa kanila, professional. Sobrang caring pagdating sa set,” pahayag niya.

Eh totoo ba ang tsimis na pinagalitan siya ng Viva dahil sa paggawa sa AQ Prime?

“Hindi! Hindi!” sigaw ng manager niyang si Lito de Guzman.

Handang sumabay sa contents ng Vivamax ang AQ Prime, huh! Ang makatulong sa industriya ang layunin kaya itinatag ang AQ Prime streaming app.

KRISTA MILLER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with