^

Pang Movies

Coco, ayaw magpahinga

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Magtatapos na sa darating na Biyernes, Aug. 12, ang consistently top-rating and longest-running action-drama series on television, ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong creative head at isa sa mga director ng serye na umabot ng halos pitong taon sa ere.

Wala ring alinlangan na si Coco ang highest paid actor-director sa telebisyon.

Ang inaasahang one season to one year ay inabot ng pitong taon at kung ang televiewers lamang ang masusunod, gusto nilang magpatuloy pa ang serye ni Coco kung saan nabuo ang well-loved hero character ng actor bilang si Cardo Dalisay.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano rin ang magsisilbing most star-studded cast and most expensive TV series to date.

Sa pagtatapos ng serye, sa halip na magpahinga ay haharapin muna ng actor-director ang first movie team-up nila ni Jodi Sta. Maria, ang Labyu with an Accent na isa sa entry ng 2022 Metro Manila Film Festival. Ito’y pamamahalaan ni Coco using his real name na Rodel Nacianceno sa ilalim ng ABS-CBN Film Production and CCM Productions.

Pagkatapos ng movie ay saka naman paghahandaan ni Coco ang susunod niyang serye sa ABS-CBN na malamang inspired din ng isa ring FPJ classic hit film.

Eddie at Rosemarie, hirap tanggapin ang nangyari kay Cherie

Tiyak na napakahirap ng pinagdadaan ngayon ng veteran celebrity couple na sina Eddie Mesa (82) at Rosemarie Gil (80) dahil sa maagang pagpanaw ng kanilang ikatlo at bunsong anak at mag-isang babae na si Cherie Gil.

Si Cherie ay binawian ng buhay last Friday, Aug. 5, sa New York City kung saan naka-base ang kanyang tatlong anak na sina Jay, Raphael at Bianca at ex-husband, ang international renowned violinist na si Rony Rogoff.  She was 59.

Walong taon lamang ang pagitan nina Cherie at nakatatandang kapatid, ang isa pang award-winning actor na si Mark Gil na sumakabilang-buhay nung Sept. 1, 2014 sanhi ng liver cirrhosis. He was 53.

Natitira na lamang ang eldest son nina Eddie at Rosemarie na si Michael de Mesa na dumaan din sa matinding pagsubok na umabot ng halos dalawang dekada nang dapuan ito ng Hepatitis C nung 1999 at gumaling lamang nitong 2017.

Ang mag-asawang Eddie at Rosemarie ay merong 13 apo sa kanilang tatlong anak at meron na rin silang great-grandchildren.

Ilan sa kanilang mga apo (third generation) ay pumasok na rin showbiz at ang mga ito ay sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann, Ryan Eigenmann, Geoff Eigenmann, Andi Eigenmann at Max Eigenmann at hindi rin malayong mag-showbiz din balang araw ang ikaapat na henerasyon ng mga Eigenmann.

Samantala, isa sa closest friends ni Cherie ay ang megastar na si Sharon Cuneta ay nadalaw pa ang aktres sa New York bago ito tuluyang namaalam.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with