^

Pang Movies

Dennis, hands-on pa rin sa anak   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis, hands-on pa rin sa anak          
Dennis

Back to work na si Kapuso Drama King Dennis Trillo dahil nagsimula na siyang mag-taping ng isang naiibang historical serye sa GMA Network, ang Maria Clara at Ibarra.

Marami nang nagtatanong kung ano raw ang story nina Maria Clara at Ibarra, sila rin ba ang mga pangunahing tauhan ng Noli Me Tangere, na isinulat ng Pambansang Bayani, si Dr. Jose Rizal?

Sinasabi lamang ng mga sumusulat ng script, na ito raw ay magbibigay ng bagong perspective sa mga nobela ni Jose Rizal, ang upcoming historical portal fantasy na Maria Clara at Ibarra.

Maiiba ba ito kung ang isang Gen Z ay mapunta sa mundo ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal? 

Ito siguro ang aabangan ng netizens sa historical portal fantasy na magtatampok kina Dennis, Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, at marami pang iba.

Nagpasalamat si Dennis sa pagbibigay sa kanya ng latest project niya.  Huli niyang ginawa sa GMA ang Legal Wives na nakatambal niya sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Ito ang last project na ginawa ni Ms. Cherie Gil sa GMA, bago siya bumalik sa New York. 

Nag-post si Dennis sa kanyang IG matapos malaman niya ang pagpanaw ng mahusay na actress na gumanap na ina niya sa serye: “Paalam Inakolay.”

Ayon kay Dennis, “matsa-challenge na naman ako sa role na ipinagkaloob sa akin ng GMA.  Siyem­pre, sobrang gratefull ako dahil ipinagkatiwala nila sa akin ang napakahalagang historical role na kapupulutan ng araw ng maraming makakapanood nito.”

Sa kabila ng pagiging busy na ni Dennis sa taping, hands-on pa rin daw siya sa pag-aalaga nila ng wifey niyang si Jennylyn Mercado sa baby girl nila, si Dylan.

Kapamilya Channel, ABS-CBN News pinarangalan sa Golden Laurel 2022

Nasungkit ng ABS-CBN ang 16 na parangal, kasama na rito ang Digital Media Network of the Year para sa Kapamilya Channel at Best TV/Digital News Platform para sa ABS-CBN News, sa The Golden Laurel 2022: The Batangas Province Media Awards ng Lyceum of the Philippines University-Batangas.

Kinilala rin ang TV Patrol bilang Best TV/Digital News Platform pati ang anchor nito na si Bernadette Sembrano bilang Female News Anchor of the Year.

Wagi rin sa Golden Laurel 2022 ang Kapamilya artists na sina Jodi Sta. Maria (Best Drama Actress for The Broken Marriage Vow), Joshua Garcia (Best Drama Actor for The Broken Marriage Vow), Angel Locsin (Most Inspiring Social Media with Social Cause Category), at Kathryn Bernardo (Most Inspiring Social Media Personality Lifestyle/Entertainment Category).

Samantala, pinarangalan din ang entertainment shows ng ABS-CBN kabilang na ang It’s Showtime, Magandang Buhay, Maalaala Mo Kaya at The Broken Marriage Vow.

Pinagbotohan ng mga estudyante, empleyado, at partner schools sa Batangas province ang mga nanalo sa The Golden Laurel 2022.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with