^

Pang Movies

Kapuso starlet, ang lakas ng loob mamintas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Basta natapos ka ng dialysis parang nabugbog ang katawan Ko, Salve. Gusto mong matulog, mahiga. Talagang wah ang energy mo, kaya nga importante na diretso ka sa bahay.

Naku talagang gagawin akong retired ng sakit ko, hospital at pahinga na lang ang puwede kong gawin.

So unfair, hindi ko tuloy natalakan ‘yung isang new starlet na inokray ang food na pinakain ng Gala Night ng GMA 7.

Kesyo saksakan daw ng alat at hindi masarap. Isang newbie, ang lakas ng loob okrayin ang food ng 5-star hotel.

Bongga siya, talagang puno ng lakas ang loob at hindi inom ng kape dahil walang nerbiyos magpintas.

Kung A-list star pa, puwede mong tanggapin, pero baguhan, the nerve kaloka!

Bong, sobrang maalaga sa mga mahal sa buhay

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-overcome ‘yung feeling of gratefulness kay Bong Revilla.

Ok lang sa akin na talagang ipinakita niya ang pagmamahal niya sa akin, pero ‘yung bayaran ang hospital bills ko at sabihan ang mga doktor ko na tingnan akong mabuti, talagang ang bongga ng show of concern.

Kaya nga kahit ano pang sabihin ng bashers, mga taong wala namang alam sa tunay na Bong Revilla, wala akong paki.

Basta alam ko at ng mga taong kilala si Bong kung gaano kalambot ang puso niya, kung paano siya magmahal ng mga tao na malapit sa kanya, kung paano niya alagaan ang mga nagmamahal sa kanya.

ARTIST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with