^

Pang Movies

Kim, naging jologs nang ulanin

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, naging jologs nang ulanin
Kim Chiu.

Rumampa-rampa si Kim Chiu sa Disneyland habang rumaragasa ang ulan sa kanilang pamamasyal sa sinasabing happiest place on earth.

Bongga pa naman ang OOTD ni Kim, Dior ang bag at ang shoes tiyak branded din pero dahil umalan gumawa siya ng paraan para ‘di gaanong mabasa at nakarampa pa siya.

Nilagyan niya ng plastic bag ng mga souvenir store ang kanyang branded shoes at nag-raincoat at rumampa-rampa.

“DISNEY WORLD FASHION WEEK!!! celebrating 50 years of Disney!!! Category is BAGYO CHRONICLES!”

“Akala ko effect ng Disney yung ulan. For reals pala!ootd 1 or 2??? Which one is the best???? haha got the full experience of Florida weather and . Take it to the runway!!!thanks @danabinnie for the videos and photos!,” buong post niya na kinaaliwan ng kanyang followers dahil nga kilala na si Kim sa pagiging disiplinado ang isip to see the good in every situation and look on the best side of every event.

Kaya walang problema si Kim. Hindi katulad ng iba na habit na ang mag-rant o mag-emote sa social media.

Film-Am model na si Kelsey Merritt, nagbakasyon kasama ang Hollywood actor na si Jared Leto

Hindi na nagpo-post ang picture ang Fil-Am Victoria Secret model na si Kelsey Merritt na kasama ang American swimmer na si Conor Dwyer kaya’t nag-assume ang mga ito na split na ang dalawa.

Lalo na nga at spotted ang Pinay model na naka-base sa New York kasama ang Hollywood actor na si Jared Leto sa Italy na nagbabakasyon.

Meron silang photos sa social media na nasa isang luxury yacht at nagra-rock climbing sa Italy.

Ang daming photos ng DailyMail ng nasabing story na ‘New romance? Jared Leto, 50, and Victoria’s Secret model Kelsey Merritt, 25, go rock climbing in Sardinia’ paparazzi style.

Pero si Kelsey, walang upload sa kanyang Instagram account though nag-upload siya ng photos nila sa Capri, Italy.

Perks ata ng mga fashion model ang mag-travel sa magagandang lugar dahil talagang sa mga luxury resort nagbabakasyon si Kelsey kasama ang ibang mga kapwa model.

Naisama na ni Kelsey sa bansa si Conor na isang Olympic medalist.

Jinkee, nakangiti kahit gustong umiyak sa laban ng anak

First time palang napanood ni Jinkee Pacquiao ang anak na lumalaban sa boxing.

Kaya pinigilan niya raw umiyak.

“Nakangiti pero pinipigilan lang umiyak. First time kong mapanood ang anak ko lumaban (namumula na mata) thank you Lord sa panalo na binigay mo sa anak ko,” umpisa ng post ni Jinkee habang katabi ang mga anak sa panonood sa Los Angeles.
“Jimuel, i’m so proud of you! I will always be here for you. I love you, son!
“Next time lahat na kami manonood sayo! Kasama na si @mannypacquiao @pacquiao.michael and @israel.pacquiao.

We love you so much! @pacquiao.emmanuel
Great win #Godisgoodallthetime.

Maaalalang sinabi noon ni Jinkee na mas gusto niyang mag-showbiz sana ang anak kesa mag-boxing katulad sa kanyang amang Pambansang Kamao.

Coleen, proud sa sakripisyo sa pagpapasuso sa anak!

Si Marian Rivera ang naalala ko sa post ni Coleen Garcia na proud sa kanyang ginawang breastfeeding sa anak na si Amari bilang bahagi ng #worldbreastfeedingweek.

“Time does fly, and what a journey it has been for us! Going on two years, and still counting. And let me tell you, it ain’t glamorous. There have been (and still are) countless sleepless nights, frustration, sacrifices, discomfort, and a lack of time, energy and capacity for anything else. During the times when Amari is non-stop nursing cause he’s sick or teething, sometimes, it’s almost like I feel every last drop draining out of me. But I do see how it always quickly and effectively makes things better for him. And that’s what it is. Being uncomfortable but giving him comfort, feeling weak but making him strong.. feeling like I’m not enough, then realizing that I have more to give than I could have ever imagined.

I can name many reasons why it’s hard, but much stronger reasons why it’s so worth it. The permanent effects will always outweigh my temporary discomfort and sacrifices. It gives me so much peace and a sense of fulfillment to know that I’ve been doing what I can to keep Amari as healthy as possible, but our breastfeeding journey hasn’t only been about that. I truly believe that it has brought us even closer and has strengthened the bond, connection and relationship we share in a deeply humbling way. I wouldn’t be the mother—the person—I am today if it weren’t for the times I decided to put him before myself. I could never imagine what it would have been like if we hadn’t chosen this path, and I would choose it again and again! ,” bahagi ng mahabang post ni Coleen.

Nakita namin noon si Marian na kahit nasa abroad, nagpapa-breastfeed kay Zia.

Sa kasal noon nina Drs. Hayden and Vicki Belo sa Paris, habang nasa Seine River cruise para sa welcome dinner para sa mga bisita sa kasalan, nagpapadede si Marian habang nag-e-enjoy ang lahat at nakikipagsosyalan.

KIM CHIU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with