^

Pang Movies

Ate Vi at Alice, sweet sa mga kaibigan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ate Vi at Alice, sweet sa mga kaibigan
Vilma Santos.

Ang sarap ng suman na padala ni Vilma Santos, Salve.

Talagang kinain ko siya habang nagda-dialysis ako. Bongga si Ate Vi na nakasingit pa sa sked niya ang pagpapadala ng suman sa akin.

Ang sweet ni Ate Vi at talagang hindi ko malilimutan ang gesture na ito.

At talagang pareho silang sweet ni Mama Alice Eduardo dahil sabay sa pagdating ng suman ang fruits na padala ni Mama Alice.

Bongga ang mga santol at mangga na galing sa kanyang farms at talagang napaka-generous dahil sa kanyang mga red envelope na ibinibigay.

Totoo nga na isa si Mama Alice sa napakaluwang ng mga kamay sa pagtulong. Kaya ipagmamalaki mong kabilang ka sa kanyang friends.

Arra, mahilig sa mga emosyonal na kanta

Bongga ni Arra San Agustin dahil mapapakinggan na ang kanyang debut single na Hanggang Dito Na Lang.

Ayon nga sa Sparkle artist, binuhos talaga niya ang lahat ng kanyang effort. Binigyan siya ng singing coach at inaral daw nitong mabuti ang kanta. Mas gusto raw niya ang emotional songs kung saan nararamdaman niya ang sense of belongingness.

Masaya si Arra na bukod sa pag-arte ay pinasok na rin niya ang pagkanta dahil talagang mahal daw niya ang music. Inaalay naman ni Arra ang kanta sa lahat ng mga naniniwala sa kanya.

Samantala, nakuha naman ng Hanggang Dito Na Lang ang second spot sa iTunes chart at naka-third spot ang official hashtag na #HanggangDitoNa­LangArra sa trending list noong unang araw na i-release ang kanyang latest single.

Kaya naman ‘wag magpahuli, pakinggan na ang Hanggang Dito Na Lang dahil available na ito sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user