^

Pang Movies

Tom, tinapos na ang pananahimik!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tom, tinapos na ang pananahimik!
Tom Rodriguez.

Matapos ang ilang buwang pananahimik, balik-social media si Tom Rodriguez. Nag-post siya kahapon sa kanyang IG page ng short clip kung saan ay makikitang tumutugtog siya ng piano.

Bagama’t kamay lang ang makikita sa video ay sinabi naman niya sa caption na siya ang tumutugtog.

“Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self soothe. Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song,” ang caption ni Tom.

Natuwa naman ang followers ng aktor na muli nilang nakita sa socmed ang estranged husband ni Carla Abellana. Ang huling post niya kasi ay noong Pebrero pa.

“Thank you so much Tom. we get to see you once again and playing music at that . You never fail to amaze and surprise us . The melody is the whistle intro and you did it in piano . More creativity please,” komento ng isang netizen.

“Thank you so much tom hindi mo lng alam kung gaano mo kami pinasaya ito na ang aming hinihintay sau you are back in God’s time and this is the time we love you so much god bless you sana huwag mo na kaming iiwanan,” pahayag naman ng isa pa niyang follower.

“Thanks a lot idol we are so happy hearing you playing the piano again sa wakas sana tuloy tuloy na yan God bless you always we miss and love you,” sey naman ng isa pa niyang tagahanga.

“I am glad you are back. Welcome back Tom,” comment ng isa pang netizen.

Obviously, kasalukuyang nasa US pa rin si Tom.

Sharon, pagod nang magpanggap na matapang

Humingi ng pang-unawa si Sharon Cuneta sa kanyang fans kung hindi muna niya mapagbibigyan ang mga video greeting request ng mga ito dahil may pinagdaraanan siya sa kasalukuyan.

Ayon sa Instagram post ni Megastar kahapon, kasalukuyang may sakit ang isang kaibigang mahal na mahal niya at hindi niya kayang pagbigyan muna ang requests na video greetings.

“I flew to a place very far away from California to visit a very sick friend who happens to mean the world to me… I would really appreciate it if you would understand that I cannot do a requested video greeting everytime it’s someone’s birthday or even a short answer to a comment on any of my posts, especially nowadays…” pahayag ni Shawie.

Patuloy niya, “of course I wish I was a robot who could give in to everyone’s wishes pero sa dami ninyo di ko kakayanin…”

Nakakapagod din daw ang magpanggap na matapang sa mata ng lahat na hindi alam ang nangyayari sa kanyang buhay.

“Sometimes it becomes so tiring and makes me sad when I have to put up a brave front when no one really knows what is going on in my life…

“Thank you to all of you for your understanding and patience and love,” aniya.

TOM RODRIGUEZ.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with