^

Pang Movies

Bea, ‘suwerte’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bea, âsuwerteâ
Bea

Talagang hindi ko maisip kung bakit hanggang ngayon feeling ko all is well with my body.

Kung minsan nalilimutan ko na may catheter ako sa leeg, may fistula sa left arm. At ‘pag biglang nahilo ako, nagtataka pa ako.

Ganun pala iyon ‘pag hindi ka sanay na may sakit ka.

Akala mo dream lang ‘yung nangyari sa iyo, para bang ‘pag nasa FEU Hospital ako feeling ko may dinadalaw lang ako na maysakit, hindi ako ‘yung may sakit.

Hay naku, talagang matagal pa siguro bago mag-sink in sa utak ko itong nangyayari sa akin.

Kaya nga suwerte si Bea Alonzo dahil hindi focus sa kanya ang utak ko, hah hah, paminsan-minsan lang ‘pag naloloka ako, bigla siya na naman ang point of view ko, hah hah hah.

Hindi siya matakpan ng fat ladies na sina Dolor G. at Shirley K., nasisilip ko pa rin siya. Hah hah hah, baka sign ito na later on mas mataba pa si Bea Alonzo kay Dolor Guevarra.

Baka ganun na nga at nag-start na ngayon na tataba na siya dahil mukha na siyang Tita Bea, bongga.

Tols, puno ng special guests

Puno raw ng katatawanan at kilig ang weekend ng Kapuso viewers dahil sa exciting na episode ng first-ever fa­mily sitcom on GTV, ang Tols!

Pinagbibidahan ito nina Kelvin Miranda, Shaun Salvador at Adbul Raman. Kasama rin sa show sina Rufa Mae Quinto  at Betong Sumaya.

Sa upcoming episode this Saturday, Aug. 6, magpapasaya at magpapakilig ang special guest na si Jojo Alejar.

Naku subukan ko nga itong panoorin para mawala ang nararamdaman kong sadness sa tuwing magkakaroon ako ng dialysis session.

Baka naman dito ma-divert ang aking attention at mawala ang nararamdaman kong ‘inis’ ‘pag sumasama ang pakiramdam ko dahil nga minsan naiisip na bakit ganun may sakit ako samantalang pakiramdam ko ok naman ako malakas ang katawan. Kaloka. Hahaha.

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user