^

Pang Movies

Cherry Pie, malaki ang papel sa kaligayahan ni Angelica   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cherry Pie, malaki ang papel sa kaligayahan ni Angelica        
Cherry at Angelica

Nag-shout out ng pasasalamat si Angelica Panganiban kay Cherry Pie Picache na siyang dahilan daw kung bakit niya nakilala ang partner na si Gregg Homan.

Sa kanyang Instagram Story ang makikita ang larawan nilang dalawa ni Cherry Pie.

“MALAKI!!!! Malaki ang papel sa lahat ng ito. Ikaw ang nagbigay daan samin ni Greggy. Thank you and we love you, nangnang @yescppicache,” Angelica wrote.

Naikuwento na rin ni Angelica sa kanyang vlog na si Cherry Pie nga ang nagsilbing matchmaker sa kanilang dalawa ni Gregg.

“Si Cherry Pie ‘yung may kakilala sa kanya and may kakilala sa’kin na nangungulit na, ‘Sige na, sige na. Game na. Mag-meet na kayong dalawa,’” kwento ni Angelica.

Kasalukuyang buntis ngayon si Angelica sa first baby nila ni Gregg at walang kasing-saya ngayon ang aktres sa katuparan ng kanyang pangarap na magkaroon na ng sariling pamilya.

Kamakailan ay nagkaroon ng baby shower si Angelica na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan including Cherry Pie.

Marco, handa na kay Sanya

Inamin ni Marco Gumabao na gagawa siya ng project sa GMA 7 pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay lumipat na siya sa nasabing network.

“Wala pa naman kaming talks with Viva (his management). I was invited sa ball dahil may project po akong gagawin with GMA in collaboration with Viva.

“So, ‘yun pa lang po ang pwede kong sabihin as of now,” sey ni Marco sa story conference ng bago niyang pelikula sa Viva Films with Kylie Verzosa na Baby Boy, Baby Girl.

When asked kung ano ang masasabi niya sa balitang si Sanya Lopez ang kasama niya sa project with GMA 7, ayon sa aktor ay willing na willing siya to do it.

“I’m not sure kung pwede na pong magsabi ng details, eh, pero yes, soon, I mean, ako, I would love to work with Sanya given the chance, kasi she’s also one of the pinakasikat ngayon sa GMA, and at the same time she’s coming from a very hit show, ‘yung First Yaya and ‘yung First Lady.

“So, yeah, I mean, it would be an honor to work with her and depende na po sa Viva and sa GMA po kung ano po ‘yung magiging plano. Basta ako po, whatever they tell me, ready naman po ako,” ani Marco.

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user