^

Pang Movies

Donny at Belle, gagawing memorable ang biyahe sa Big Apple

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Donny at Belle, gagawing memorable ang biyahe sa Big Apple
Donny at Belle

Tiyak na enjoy ang talents ng Star Magic na kasama sa Beyond the Stars tour concert in the US kung saan kabilang ang magka-love­team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano maging sina Alexa Ilacad at KD Estrada, among others.

Sinabi ng binata ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny na gagawin niyang memorable ang kanilang trip ni Belle sa Big Apple (New York City) kung saan nila isisingit sa kanilang schedule ang pano­nood ng Broadway musical play at pamamasyal.

Naniniwala ang supporters ng DonBelle na may ‘special something’ na ang relasyon ng dalawa bilang one of the hottest loveteams sa kasalukuyan.

Magka-holding hands ang dalawa papasok ng aiport.

Pansamantalang tumigil muna ang DonBelle sa shooting ng bago nilang movie under Star Cinema to give way sa kanilang week-long series of shows (with other Star Magic talents) na magsisimula sa New York on Aug. 6 at susundan ng San Francisco at Los Angeles California.

Naghihintay rin sa kanilang pagbabalik ang finale concert ng He’s Into Her: Season 2.

Ang tambalan nina Donny at Belle ay isa sa hottest loveteams ngayon ng bansa lalupa’t tahimik ngayon ang tambalan ng magkasintahang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ang ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid ang bagong manager ngayon ni Liza na ang focus ay mapasok nila pareho ang international music scene.

Cesar at Diego, may bonding na

Sa kabila ng mga sunud-sunod na batikos na tinanggap ng controversial writer-director na si Darryl Yap na may kinalaman sa pelikulang Maid in Malacañang, nagpapasalamat ang huli sa tagumpay ng pelikula sa mga sinehan magmula nang ito’y magbukas in 200 theaters nung nakaraang Miyerkules, Aug. 3.

Masaya rin si Sen. Imee Marcos na siyang source ng kuwento na sinulat at dinirek ni Direk Darryl na siyang nag-buena mano sa No. 1 streaming ng Pilipinas, ang Vivamax sa pamamagitan ng pelikulang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na nagkaroon pa ng part 2 a year after.

Samantala, sobra rin ang pasasalamat ng mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga sa Viva at kay Direk Darryl dahil sa unang pagkakataon ay nagkasama sila sa isang bigating proyekto at mag-ama pa ang kanilang role.

Nagsilbi ring bonding moment ang shooting ng mag-ama ng pelikula dahil kamakailan lang din nangyari ang pagkakaayos nila after several years ng kanilang tampuhan at samaan ng loob.

Maja, susubukang magpatawa

Nag-level up na ang actress, singer, dance majesty, host at talent manager na si Maja Salvador sa pagi­ging line producer ng programa for Cignal Entertainment na mapapanood sa TV5 na kanyang sinimulan sa kanyang weekly sitcom, ang Oh My Corona na mapapanood simula ngayong Sabado, Aug. 6, at 7:30 p.m. sa Kapatid Network.

Ang Oh My Corona ay una sa maraming projects na ila-line produce ng Crown Artists Management ni Maja for Cignal Entertainment.

Speaking of Maja, regular na rin siyang napapanood sa top-rating and longest-running noontime show bilang isa sa Dabarkads ng Eat Bulaga.

DONNY PANGILINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with