^

Pang Movies

First Nanny nina Gabby at Sanya, nasa Netflix na

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling balikan ang modern fairytale nina President Glenn Acosta at Yaya Melody dahil mapapanood na ang The First Nanny ng GMA, simula sa July 29 sa Netflix Philippines.

Pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, tungkol ito sa First Nanny na si Melody Reyes (Sanya), isang masayahin at masipag na babae na mula sa mahirap na pamilya.

Bilang breadwinner ng kanilang pamilya, pagsusumikapan niyang itaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nang sagipin ni Melody ang anak ni Glenn Acosta (Gabby), isang biyudo at kasalukuyang Vice President ng bansa, aalukin siyang maging yaya ng mga anak ni Glenn. Dito na magsisimula ang pag-iibigan nina Melody at Glenn.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon, magiging presidente ng bansa si Glenn at doon na magsisimulang mapansin ng publiko si Melody sa buhay ni President Glenn at tatawagin siyang First Yaya.

Ipinrodyus ng GMA Entertainment Group, panoorin ang The First Nanny sa Netflix Philip­pines simula July 29.

SANYA LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with