^

Pang Movies

Sarah, mas gustong mag-invest sa diamonds

Dianne Canlas - Pang-masa
Sarah, mas gustong mag-invest sa diamonds
Sarah Lahbati

MANILA, Philippines — Ipinakilala ng Tessera, isang jewelry brand, si Sarah Lahbati bilang kanilang first ever brand ambassadress. Isa ito sa may pinakamalaking collection ng stunning, conflict-free and naturally mined diamonds na lumikha ng iconic Three Stars and The Sun at Alab at Dangal ear cuff, at Pearl of the Orient drop earrings na sinuot ni Catriona Gray nang manalo ito sa Bb. Pilipinas 2018 at Miss Universe 2018.

Sa ginanap na mediacon sa Manila House noong July 26, natanong ang founder ng Tessera na si Carl Fider kasama ang kanyang misis at co-founder na si Papat Aquino-Fider kung bakit si Sarah ang kanilang napili bilang perfect endorser ng kanilang jewelries.

“Actually everyone would agree to me that Sarah looks like a diamond – strong, sparkling. And more than that, more than endorsement, we treat Sarah like a partner. When you say partner, it’s like Sarah does it with passion so we saw that in her. We think that Sarah can bring the brand to the next level,” saad ni Carl.

Ayon nga kay Sarah, ang pinakaunang beses na nakatanggap siya ng diamonds ay mula sa asawang aktor na si Richard Gutierrez. Para sa kanya ay mas praktikal talaga na mag-invest sa mga alahas lalo na sa diamonds kaysa mga mamahaling damit, bag at sapatos na nawawala rin sa uso.

“I think for sure like investing in diamonds more than shoes that go out of style, pants that go out of style, expensive dresses, diamonds will never go out of style. It’s something you can wear with anything, everyday or at special events. So I think it’s such a smart investment for women nowadays. As Carl said, like it’s so surprising that at a time like this people are shopping for diamonds.”

Nilantad din nito ang pagiging galante ng biyenang si Annabelle Rama na niregaluhan siya ng diamond rings noong bago pa sila na-engage sa actor. Ang biyenan din daw ang nagpapayo sa kanyang smart investment ang bumili ng mga diamond na habang tumatagal ay mas tumataas ang halaga.

“I’ve loved learning about diamonds. Working with Papat and Carl together as well with Tita Annabelle who’s always loved diamonds and she’s one to know the investment piece. She would always advise that it is a good investment.

“I’m so excited. It’s a personal thing to be working with the brand that I love because I know not only will I use it at work but I can use my beautiful diamonds everyday. It’s just a special thing to be able to wear beautiful pieces that are personalized or just beautifully created by both of you. So I’m grateful and honored to be part of Tessera, to be the face of Tessera,” dagdag pa niya.

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with