^

Pang Movies

Kylie at Gerald, parang CLOY ang background   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kylie at Gerald, parang CLOY ang background            
Kylie at Gerald

Nag-post sa kanyang Instagram si Kapuso Bolera actress Kylie Padilla na kasalukuyan siyang nasa Switzerland.

Nagpunta siya roon para sa shooting ng movie niyang Unravel for Mavx Productions, na makakatambal niya si Gerald Anderson, sa direksyon ni RC delos Reyes.

Maraming netizens ang nagsabing familiar ang location nina Kylie at Gerald ng movie – sa Lake Brienz, Lucerne, Switzerland.

Familiar nga ang location dahil ito rin ang ginamit sa Korean romantic drama series na Crash Landing On You, nina Hyun Bin at Son Ye-jin. 

Masayang-masaya si Kylie na after ng GMA Primetime series na Bolera, ay nasundan agad ito ng isang movie project naman.

Matteo, matamis ang pagbati sa misis

Sarah Geronimo turns 34 last Monday, July 25 and husband Matteo Guidicelli, greeted her on her Instagram page: “Happy birthday, my love. I hope you enjoyed your special day today. You deserve all the love and happiness in the world. Seeing you bloom into a lady has been an incredible experience. Proud husband right here! Keep that fire burning.”

Last Sunday, July 24, bumalik na si Sarah sa ASAP after two years na hindi siya nagpakita roon. Kaya mahihinto na siguro ang balita na lilipat siya sa GMA.

Kaya nagsalita na si Ms. Lilybeth Rasonable, Vice President for GMA Entertainment – “ang tagal na rin namin nadidinig ‘yan, but no, wala kaming offer for Sarah G.”

Madalas kasing napapanood ngayon si Sarah sa GMA 7, dahil ipinalalabas doon ang movies na ginawa ng Star Cinema. Ilang movies na rin ni Sarah ang naipalabas like last Tuesday, ipinalabas ang Miss Granny ni Sarah, na katambal niya sina Xian Lim at James Reid. 

Nagkaroon ng send-off party ang Sunday noontime show na All-Out Sundays last Sunday, July 24, for Garrett Bolden Jr., Kapuso balladeer, at The Clash Season 1 alumnus, in 2018. Sa show, nagpasalamat si Garrett: “I can’t be more excited to share sa inyong lahat, I prayed hard for this. Lord, maraming salamat.

“I will be joining the cast of Miss Saigon in Guam. It’s always been a dream of mine to venture into theatre and I know that joining Miss Saigon is one for the book for a singer, I know that I would grow and learn more as I try new things in this career. Thank you for the never ending support mga Kapuso!  Lahat ng ito ay para sa inyo.

“I’ll be back soon, but until then, please pray for me. Kasama ko kayo sa journey na ito.”

Garrett will play the role of the American GI stationed in Saigon during the Vietnam War alongside Chris Scott, his best friend. John will be instrumental in the development of Kim and Chris relationship as well as their reunion later.

KYLIE PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with