^

Pang Movies

Kylie, ayaw sumawsaw kina Aljur at AJ!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kylie, ayaw sumawsaw kina Aljur at AJ!              
Kylie

Mainit ang mga usap-usapan sa issue nina Aljur Abrenica at AJ Raval, at ang pagsasampa ng kaso ni Victor Consunji kina Maggie Wilson at Tim Connor, na gusto ng netizens ay idemanda sila ng adultery.

At dahil nga involved si Aljur, ang followers ng wife niyang si Kylie Padilla ay nagsasabing mas may karapatan daw ang Bolera actress na idemanda niya si Aljur dahil may dalawa silang anak.

But tahimik lamang si Kylie dahil may co-parenting agreement na sila ni Aljur, at naka-move on na siya tungkol sa kanilang relasyon at masaya siya para sa kanilang dalawang anak na lalaki.

Masaya rin si Kylie dahil gabi-gabi ay nagti-trending ang primetime drama series niyang Bolera, na katambal niya sina Rayver Cruz at Jak Roberto. Carry ni Kylie ang role niyang palaban para ipagtanggol ang kanyang pamilya, pagkatapos mapatay ang kanyang ama habang tinuturuan siyang maglaro ng billiards.

Hinahangaan din si Kylie sa paglalaro niya ng billiards.

Kapuso Stars, magseselebrayt ng 72nd Anniv

Tomorrow na, July 24, ang celebration ng 72nd Anniversary ng GMA Network na gagawin sa All-Out Sundays at makakasama ng televiewers ang mga paborito nilang Kapuso stars, sa pangunguna ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards with new Kapuso actress Bea Alonzo, as they will promote their upcoming first teleserye sa GMA, ang Philippine adaptation ng Korean drama series na Start-Up Philippines.

Magpapatikim din ang hosts ng new countdown variety show na TiktoClock na sina Pokwang, Rabiya Mateo at Kuya Kim Atienza, kung paano gawin ang pa-contests nila na magsisimula sa Monday, July 25, 11:15 a.m. sa GMA 7.

First time rin ipakikita ni Sanya Lopez ang pagkanta niya ng first single niya na Hot Maria Clara from GMA Music. At siyempre pa, mawawala ba ang lovers na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Gabbi Garcia and Khalil Ramos? 

Mikee at Paul, umamin na

Umamin na ang mga Sparkle GMA Artists na sina Mikee Quintos at Paul Salas na sila na, as per their YouTube vlog habang nagbabakasyon sila sa Boracay, pagkatapos ng mga lock-in taping nila ng kani-kanilang ongoing drama series sa GMA 7.

Doon sila nag-celebrate ng kanilang monthsary.

 Magkaiba ang serye nilang ginagawa, si Mikee, sa GMA Afternoon Prime na Apoy Sa Langit, na katambal niya si Dave Bornea, kasama nila sina Maricel Laxa, Zoren Legaspi at Lianne Valentin, Mondays to Saturdays, 2:30 p.m. after Eat Bulaga. Si Paul naman ay kontrabida ni Ruru Madrid, katambal niya si Shaira Diaz, sa fantasy-action series na Lolong na napapanood gabi-gabi after ng 24 Oras sa GMA 7.

KYLIE PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with