^

Pang Movies

AJ, may anak din sa dating karelasyon?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
AJ, may anak din sa dating karelasyon?!
AJ

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang rumored sweethearts na sina AJ Raval at Aljur Abrenica sa diumano’y pagbubuntis ng Viva sexy star at tinaguriang Vivamax queen.

Bakit ang ibang tao ang nagdi-deny para sa kanila at hindi mismo sina AJ at Aljur ang magpatotoo o mag-deny kung totoo nga o hindi ang balita?

Nariyan ang press release na kaya inayawan umano ni AJ ang pelikulang Scorpio Nights 3 ay sa dahilang mag-aaral umano siya, rason na ayaw kagatin ng marami.

For whatever reason, may karapatan din naman sina AJ at Aljur na manahimik muna after all, silang dalawa lamang talaga ang makakapagpatunay kung totoo o fake news nga ang pagbubuntis ng sexy star.

Ayon sa aming very reliable source, si AJ ay meron din umanong anak sa dati nitong karelasyon bago siya nag-showbiz. At kung totoo ngang buntis ngayon ang sexy star, pangalawa na niya ito.

Hinayang na hinayang ang aming source sa career ni AJ dahil siya ngayon ang reyna sa lahat ng mga sexy contract stars ng Viva dahil sa kabi-kabilang sexy movies na ginagawa nito.

Bago umalagwa nang husto ang career ni AJ ay naging bahagi rin siya ng top-rating and longest-running action drama series sa telebisyon, ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Si AJ ay isa sa 18 anak sa magkakaibang babae ng dating OctoArts action star na si Jeric Raval. Ang ina ni AJ ay ang dating sexy actress na si Alyssa Alvarez.

Kung tahimik hanggang ngayon sina AJ at Aljur sa buntis issue, hindi pa rin nagbibigay ng kanilang magkakahiwalay na pahayag ang ama ni AJ na si Jeric, ang ex-wife ni Aljur na si Kylie Padilla maging ang ama nito, ang bagong halal na senador na si Robin Padilla.

Hintayin na lamang natin, Salve A., kung aamin o magdi-deny sina AJ at Aljur sa tunay na kalagayan ngayon ng sexy star.

Resulta ng Binibini, binabantayan din

Sa katapusan ang buwang kasalukuyan gaganapin ang 2022 Bb. Pilipinas grand coronation night sa Big Dome (Araneta Coliseum) na mapapanood nang live sa Kapamilya channel at sa iba’t iba nitong platform gayundin sa A2Z Channel 11.

Sino kaya sa 40 candidates ang papalaring koronahang Bb. Pilipinas to represent various international beauty pageants sa ibang bansa at kasama na rito ang magiging kinatawan sa Miss International competition in Tokyo, Japan.

Ang kinatawan ng Angono, Rizal, ang host-actress na si Herlene Nicole Budol is No. 8. Magsilbi kayang lucky ang numerong tangan niya? Matupad din kaya ang pangarap ng ‘Hipon Girl’ na kumatawan ng Pilipinas sa 2022 Miss Grand International na nakatakdang ganapin sa Sentul International Convention Center in Bogor Regency of West Java Province, Indonesia sa Oct. 25, 2022?

Ang kasagutan ay malalaman sa grand coronation night ng Bb. Pilipinas sa darating na July 31, 2022.

Joaquin, umaming binatang ama na

Non-showbiz ang ama ng ipinagbubuntis ngayon ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela at isa umano itong pribadong tao kaya ayaw itong pangalanan ng (dating) ka-loveteam ng Kapuso singer-actor na si Ken Chan.

Marami ang ginulat ni Rita nang aminin niya on national TV na siya’y nagdadalang-tao sa programang All-Out Sundays kung saan siya mainstay.

Kung si Rita ay inamin na ang kanyang pagbubuntis, inamin na rin ng 20-year-old Kapuso actor na si Joaquin Domogoso na siya’y binatang ama ni Baby Scott courtesy of his non-showbiz girlfriend na si Raffa Castro, kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castro, mga anak ng newscaster at dating actor na si Diego Castro.

vuukle comment

AJ RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with