^

Pang Movies

Paris Hilton, ‘nainggit’ sa outfit ni Kylie Verzosa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Paris Hilton, ânainggitâ sa outfit ni Kylie Verzosa!
Kylie Verzosa

Whew, follower pala ni Kylie Verzosa ang international model na si Paris Hilton.

At ang latest na napansin ni Paris kay Kylie, ang butterfly top and skirt niyang knitted.

“Where is this outfit from?” Comment ni Paris.

At ang reply ni Kylie na single raw ngayon though may nagsasabing may something daw sa kanila ni Zanjoe Marudo : “Wait lang @parishilton”

Dagdag niya : “Beshy! Wait, send ko link.”  Na ikinaaliw ng netizens.

Since mag-split sila ng ex na Jake Cuenca ay maraming nakapansin na mas naging confident si Kylie na i-display ang kanyang kaseksihan.

Hinihintay na merger ng kapamilya at kapatid, mauudlot nga ba?

Matapos magkaroon ingay ang diumano’y merger ng ABS-CBN at Cignal TV (MediaAquest), pinahihigpitan ng National Telecommunications Commission ang blocktime arrangement at merger sa local television.

Lumabas pala ang isang memorandum dated June 23, pinaghigpitan ng NTC ang  airtime na maaaring ibenta ng isang radio o TV station sa mga blocktimer – hanggang 50% lamang ng daily airtime at isumite ang lahat ng blocktime deal sa kanila para sa pag-apruba ng ahensya bago ang pagpapatupad sa mga network.

Last year pa napapabalitang magkakaroon ng merger ang ABS-CBN/TV5 and Cignal TV at diumano’y in the bag na ang nasabing agreement pero talagang bago bumaba sa pwesto si President Duterte ay naihabol nila ang paghihigpit sa blocktimer.

Ilang araw lang din ang nakakalipas nang aminin ng outgoing president na “Tinira ko talaga sila (ABS-CBN). I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you continue to kowtow with them, kawawa ang Pilipino.”

Two years ago nang ibasura ng congress ang franchise application ng ABS-CBN sa botong 70-11.

Napapanood sa TV5, Net 25, at ilan pang digital platforms ang mga programa ng ABS-CBN sa kasalukuyan.

Hindi na diumano umaasa ang maraming Kapamilya ng panibagong franchise sa pagpasok ng bagong admi­nistrasyon umpisa ngayong araw lalo na nga’t uupong COA (Commission on Audit) Chair si former Solicitor General Jose Calida na naging kontrobersyal sa ABS-CBN closure.

Samantala, kahapon din kinumpirma ni Nobel Peace Prize laureate Maria Ressa ang kautusan ng Securities and Exchange Commission sa pagpapasara ng news website nila na Rappler.

Pagpapapayat ni Angel, peke

Visible pa rin sa Facebook ang fake endorsement ni Angel Locsin sa isang diet cereal.

Maraming nabudol ang nasabing fake endorsement ni Angel na dahil daw sa nasabing cereal ay bumalik ang kanyang confidence at pumayat ang aktres na naging dahilan para tirahin siya sa pagi­ging overweight.

Ang husay ng may pakana dahil may testimonial pa kunyari si Angel na bilang isang artista, lagi niyang iniisip ang katawan niya. Pero dahil sa kanya aniyang busy schedule at pagtatrabaho sa gabi, nakakakain niya ng maraming snacks at late-night meals. Kaya’t umabot siya ng 60 kg na naging dahilan ng kanyang matinding stressed at tumaba siya.

At suwerte raw siya dahil binigyan siya ng kanyang assistant ng nasabing diet cereal na after three weeks ng pag-replace niya ng pagkain sa nasabing cereal lumiit ang kanyang big belly at nabawasan ang kanyang taba sa mukha.

Beyond expectations aniya ang na-achieve niya kaya’t confident na ulit siyang dumalo sa mga event na naka-body dresses kaya hinihikayat niya ang iba na subukan ito.

Kung gullible ka, maniniwala ka.

Para kasi talagang si Angel at nagbayad ang nasabing pekeng account para i-promote ng Facebook ang nasabing fake endorsement.

Double N ang Locsin sa nasabing account pero parang totoong-totoo talaga na si Angel ang endorser nito dahil nga naman sa kalagayan ng aktres.

KYLIE VERZOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with