^

Pang Movies

Family Affair, nag-trending

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Trending sa social media at pinag-usapan online ang A Family Affair nitong Lunes (Hunyo 27) dahil sa mala-intriga nitong kwento at pagpapakita ng kagandahan ng Masbate.

Ipinakita nga sa pilot episode ang taunang kompetisyon ng Rodeo kung saan kilala bilang Rodeo King si Paco (Gerald Anderson) samantalang abala naman si Cherry Red (Ivana Alawi) sa paghahanda para sa piyesta sa mansyon. 

Mas nakilala pa ng manonood ang matapang at maprinsipyong karakter ni Cherry Red nang sabihan siya ng kanyang tita na ginagampanan ni Ana Abad Santos na gamitin ang kanyang alindog para makuha ang isa sa mga magkakapatid na Estrella.

Nanindigan si Cherry Red at sinabing hindi siya ganoong klaseng babae. Pinaintindi niya sa kanyang tita na dapat nilang bigyang halaga ang kanilang mga sarili.

Bukod dito, nabigyan din ng ideya ang mga manonood kung paano siya kinupkop ng mga Estrella at ang relasyon niya kay Dave (Sam Milby).

Kaabang-abang na ang mga susunod na eksena sa pagbabalik na si Dave sa mansyon lalo pa at pursigido pa rin si Paco makuha ang pagmamahal ni Cherry Red.

Umani naman ng magagandang papuri ang palabas, ang mga artista nito, at kwento mula sa netizens kaya naman nag-trending ang #AFamilyAffair sa Twitter.

Mapapanood ang kwento ng A Family Affair at mauna na itong panoorin sa iWantTFC app (iOs and Android) o iwanttfc.com 48 oras bago ito umere sa telebisyon. Maaari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.

Iya, kasama na sa finale ng Mars...

Makisaya ngayong linggo kasama ang mga Mars at Pars na sina Iya Villania-Arellano, Camille Prats-Yambao, at Kim Atienza sa huling linggo ng Mars Pa More.

Puno ng chikahan at tawanan ang hatid ng programa sa pagtatapos nito ngayong Biyernes.

Makakasama para maghatid ng sorpresa sa mga manonood ang iba’t ibang Kapuso stars na makikipagkulitan sa ating mga Mars at Pars.

Bibisita rin ang OG Mars na si Suzi Entrata-Abrera!

Anyway, ang galing din ni Iya, kakapanganak pa lang, ito at trabaho na ulit unless taped na ito at na-advance taping.

Kahapon nag-birthday si Iya at pinakita niya ang bagong baby nila ni Drew Arellano na ngumingiti ito ‘pag kini-kiss ng mga kapatid.

IYA VILLANIA-ARELLANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with