^

Pang Movies

AJ at Aljur, magkakaanak na?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
AJ at Aljur, magkakaanak na?!

Alam mo, Salve A., marami ang nanghihinayang sa Viva sexy star na si AJ Raval dahil inuna nito ang kanyang puso kesa sa magandang takbo ng kanyang showbiz career.

Si AJ ang itinuturing na reyna ng Vivamax, ang sariling streaming app ng Viva dahil siya halos ang may pinakaraming nakagawang pelikula na ipinalabas sa nasabing platform.

Siya dapat ang bida sa ikatlong movie remake ng Scorpio Nights na unang pinagbidahan ni Anna Marie Gutierrez nung 1985 at dinirek ng yumaong si Peque Gallaga. Ito’y sinundan ng Scorpio Nights 2 in 1999 na pinagbidahan naman ni Joyce Jimenez at dinirek ni Erik Matti.

Dahil sa pagbubuntis diumano ni AJ, ang nasabing proyekto ay ibinigay sa isa pang sexy talent ng Viva na si Christine Bermas. Ito’y mula sa pamamahala ni Lawrence Fajardo.

Bukod sa Scorpio Nights, may iba ang naka-line up na movie projects si AJ, pero ito’y ipinamahagi na ng Viva sa iba’t ibang sexy talents ng kumpanya.

Ang actor na si Aljur Abrenica ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis diumano ngayon ng isa sa 18 anak ng dating OctoArts action star na si Jeric Raval.

Kung hindi kami nagkakamali, sina AJ at Aljur ay nagkalapit sa isa’t isa nang magsama ang dalawa sa pelikulang Nerissa with Cindy Miranda. Since then ay inseparable na ang dalawa.

Unknown to many, si AJ ay may isa rin umanong anak sa dati nitong nakarelasyon kaya magdadalawa na ang kanyang anak.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin sina AJ at Aljur at wala pa ring reaction ang ama ng sexy star na si Jeric Raval maging ang dating biyenan ni Aljur na si Senator-elect Robin Padilla maging ang ex-wife ng actor na si Kylie Padilla kung kanino may dalawang anak na parehong lalake ang actor na sina Alas Joaquin at Axl Romeo Padilla Abrenica.

Hindi pa man nakakabawi si Aljur sa kanyang naging problema na may kinalaman sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-wife na si Kylie maging sa kanyang career, heto at pumasok na naman siya sa isang alanganing sitwasyon dahil sa pagbubuntis diumano ng kanyang present girlfriend na si AJ.

John Lloyd, lantaran na ang relasyon sa artist

Mukhang hindi na itinatago ng actor na si John Lloyd Cruz ang kanyang relasyon sa kanyang rumored girlfriend, ang visual artist na si Isabel Santos (32) na nagmula sa pamilya ng mga artist. Siya’y apo ng yumaong award-winning cartoonist, illustrator and painter Mauro `Malang’ Santos.

Si Isabel ay dumating sa set ng sitcom na Happy ToGetHer na pinagbibidahan mismo ng kanyang nobyong si John Lloyd Cruz sa kaarawan nito last Friday, June 24, na may dala-dalang cake. Bukod sa bumubuo ng cast, director and production group, naroon din ang three-year-old son ni JLC sa kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna na misis na ngayon ng athlete-actor and entrepreneur na si Derek Ramsay.

AJ RAVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with