^

Pang Movies

Angeline, pabobonggahin ang binyag ng anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Angeline, pabobonggahin ang binyag ng anak
Angeline Quinto

Aligaga ngayon ang singer-actress na si Angeline Quinto sa nalalapit na binyag ng kanyang unang baby sa kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Pelayo Daquina na si Aziel Sylvio. Ang pangalang Sylvio ay hango sa first name ng kanyang namayapang adoptive mother na si Sylvia Quinto.

Although may tatlong anak na babae si Nonrev sa dating nitong nakarelasyon, si Baby Sylvio ay una niyang anak na lalake (kay Angeline).

Sa rami ng mga kaibigan ni Angeline na gustong maging ninong at ninang, malamang na marami ang tatayong godparents ni Baby Sylvio at kasama na rito ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola, Kim Chiu at marami pang iba.

Bukod sa pagiging singer-actress, si Angeline ay isa ring successful vlogger at meron na rin siyang 1.28M subscribers at nakatanggap na siya ng Silver and Gold Button awards.

Annabelle at Ex-hubby ni Ruffa, ayos na ulit

Nag-uusap na muli (sa telepono) ang dating magbiyenang Annabelle Rama at ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, ex-husband ng kanyang unica hija na si Ruffa Gutierrez.

Kung matatandaan pa, nagkaroon ng hindi pagkakauwaan sa pagitan nina Annabelle at Yilmaz dahil ang una ang umayaw na muling bumalik pa si Ruffa sa kanyang (dating) asawa sa Istanbul.

Malamang na nakabalik na ng bansa ang dalawang anak ni Ruffa na nakipagkita sa kanilang ama pagkalipas ng 15 taon.

Ang ex-husband ni Ruffa si Yilmaz ay muling nag-asawa sa 2006 Miss Universe na si Zuleyka Rivera Mendoza ng Puerto Rico. Bago pa man pinakasalan ni Yilmaz si Ruffa ay may isa na itong anak na babae na si Ilknas Lauren sa TV actress na si Selen Gorguzel Alkan. Beinte uno anyos lang noon si Yilmaz nang siya’y maging isang ama pero hindi sila kasal ni Selen.

Kaarawan ni Yilmaz on July 19 at magpu-45 years old na siya. Si Ruffa naman ay nag-birthday kahapon.

Ruffa is rumored to be in a relationship with actor-comedian and politician na si Herbert Bautista.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with