^

Pang Movies

Mga marites, tuloy ang pang-iintriga sa paglipat ni Sarah sa GMA  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga marites, tuloy ang pang-iintriga sa paglipat ni Sarah sa GMA             
Sarah Geronimo

Tuloy ang tsismis sa social media na magiging Kapuso na si Sarah Geronimo, at kabilang din ang mga kilalang pralala sa Kamuning ang nagkalat noon. Hindi mo masasa­bing walang basehan eh. Kahit papaano may pinagmulan ang tsismis na iyon.

Nauna riyan, may nag-Marites din sa amin na “posibleng may iba pang negosasyon ang ABS-CBN bukod sa mga lumang pelikula ng Star Cinema.” Eh sa ngayon kasi walang prangkisa ang ABS-CBN ay gumagawa sila ng content para sa ibang channels kaysa mawalan sila ng negosyo at maiwan nang ganoon na lang ang kanilang facilities at equipment.

Hindi rin naman maikakaila na kailangan nilang kumita para mabayaran ang kanilang loans sa bangko.

Dominic, Kapuso na rin

May kuwento na sila, magkakaroong muli ng serye si Dominic Ochoa na tumagal ng 26 na taon sa ABS-CBN, at matagal na ring walang ginagawa, pero ang serye niya ay gagawin sa Kamuning.

Mabuti naman at finally may project na siya ulit. Kung tumagal pa nang kaunti baka nalimutan na ng mga tao na may artistang Dominic Ochoa ang pangalan.

Pero natatakot kaming isipin na sa pagtatalunan ng maraming dating taga-Mother Ignacia sa Kamuning, ang mawalan naman ng chances ay iyong mga taga-Kamuning talaga.

Ilan na nga ba sa talents na taga-Kamuning ang matagal nang walang trabaho? Iyon ngang si Derrick Monasterio kung ‘di pa siguro napansin sa endorsement ng brief hindi mapapansin at mabibigyan ng proyekto eh.

Ilang artistang babae na rin naman nila ang matagal nang walang assignment?

At ilan iyong nagtiyaga sa kanila noong wala silang pag-asa kundi maging number two na hindi na nila binigyan ng bagong kontrata nang magtalunan sa kanila ang mga taga-Mother Ignacia?

Male newcomer, binalikan ang talunang bakla

Nag-abroad ang isang male newcomer nang ang kanyang gay politician lover ay natalo noong nakaraang eleksyon. Akala niya dahil talo na ay wala na. Pero hindi nagustuhan ng gay politician ang ginawa niyang pag-alis nang walang paalam. Bukod pa nga sa suspetsa ng gay politician kung sino ang nagdala sa kanya sa abroad.

Nagmamadali namang nagsabi ang male newcomer na talagang bakasyon lang iyon at pauwi na siya.

At least alam niyang hindi siya ibinasura ng kanyang gay politician lover kahit na natalo.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with