^

Pang Movies

Ruffa, nakamonitor sa mga anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ruffa, nakamonitor sa mga anak

Naging madamdamin ang reunion ng mag-aamang Yilmaz Bektas at dalawa nitong teenage daughters sa kanyang ex-wife na si Ruffa Gu­tierrez na sina Lorin at Venice Gutierrez Bektas over the weekend.

Pagkaraan ng 15 taon ay ngayon lang muli nagkita-kita ang Turkish businessman at dalawa niyang anak matapos payagan ni Ruffa ang mga ito.

Updated si Ruffa sa mga kaganapan ng kanyang dalawang anak kasama ang kanilang ama sa Istanbul at siya pa mismo ang nag-a-upload ng kanilang photos sa kanyang Instagram account.

Ang ex-husband ni Ruffa ay muling nag-asawa sa 2006 Miss Universe na si Zuleyka Rivera Mendoza ng Puerto Rico.

Samantala, Ruffa is said to be in a romantic relationship with actor-comedian and politician na si Herbert Bautista although wala pang tahasang pag-amin na nagmumula sa dalawa.

Bago si Herbert ay matagal na naging kasintahan ng actress at 1993 Miss World 2nd Princess ang Israeli-French na si Jordan Mouyal na umabot ng anim na taon kahit hindi ito gusto ng kanyang inang si Annabelle Rama.

Nora, matagal naghintay

Long overdue ang parangal bilang National Artist ng Superstar na si Nora Aunor na naisakatuparan lamang bago bumaba sa kanyang puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Guy (Nora) ay isa sa walong bagong National Artist ayon na rin sa rekomendasyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) sa administrasyong Duterte.

Ang pagiging isang National Artist ay siyang pinakamataas na parangal para sa isang Filipino artist na nakagawa at nakapaghatid ng distinct contribution sa development ng Philippine arts and culture.

Sina Direk Marilou Diaz-Abaya at Tony Mabesa na kasama rin rin sa pinarangalan ay sumakabilang-buhay nung Oct. 8, 2012 habang ang stage, TV & film actor, director at professor na si Tony ay yumao nung Oct. 19, 2019.

Direktor, ‘di pa naiuuwi ang labi mula sa Thailand

Nakakabigla ang maagang pagpanaw ng director, producer at talent manager na si Mark Shandii Bacolod (37) na binawian ng buhay nung nakaraang June 9 (Thursday) sa Bangkok, Thailand kung saan ito nagsu-shooting ng bago niyang proyekto.

It was only last March 31 nang humarap si Direk Shandii sa entertainment media via zoom para sa kanyang latest project na End of the World, isang erotic, suspense-thriller TV series.

Balitang ‘di pa nadadala sa bansa ang kanyang mga labi.

vuukle comment

YILMAZ BEKTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with