^

Pang Movies

Tanggap na ‘di pa National Artist...   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Tanggap na �di pa National Artist...              

Nalungkot pala ang fans ni Rep. Vilma Santos-Recto of Batangas, nang hindi siya makasama sa new set of awardees of the National Artists for 2022, na nakasama na rin si Superstar Nora Aunor. Kaya madaling nagpadala ng message si Ate Vi sa kanyang Vilmanians sa private chat group nila matapos niyang nalaman na marami sa kanila ang nalungkot nang hindi siya nakasama in these year’s honorees.

Narito ang message ni Ate Vi sa kanila: “Thank you for reaching out. Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.

“And yes, there is always a time for everything.

“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin.  Mahal na mahal ko kayong lahat.

“Isang pagpupugay ang dapat natin ibigay sa ating bagong set of National Artists. Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them.

“Mabuhay kayong mga Vilmanians!”

Julie Anne, laging nakangiti dahil kay Rayver

Tiyak na ang saya-saya ng fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, sa napanood nila kahapon, June 12, Independence day celebration sa All-Out Sundays ng GMA na dinaan sa duet nina Christian Bautista at Aicelle Santos ang tanong kung sila na ba talagang dalawa ngayon, dahil si Julie Anne raw ay hindi nawawala ang ngiti. Todo-ngiti ang dalawa habang napagitnaan sila nina Aicelle at Christian sa isang sopa.

Sa nakikita nga ng fans, nagri-request na sila na sana ay bigyan na sila ng isang teleserye na sila ang nasa lead roles. Sana raw, kapag tapos na ni Rayver ang ongoing sports teleserye nito na Bolera nila ni Kylie Padilla, every night, after First Lady, ay isang romantic-drama naman ang gawin ng JulVer. Tatlong beses na kasi silang napanood sa Limitless concert ni Julie Anne.

Valerie, inang-ina sa teleserye

Lalong na-inspire si Kapuso actress Valerie Concepcion na pagbutihin ang acting niya sa GMA Afternoon Prime na Raising Mamay nila nina AiAi delas Alas at StarStruck Ultimate Actress Shayne Sava. Carry ni Valerie ang role niya bilang tunay na ina ni Shayne sa story. May 18-year-old daughter na rin kasi si Valerie, si Heather Fiona.

Kamakailan ay nagpadala ng touching message si Valerie kay Heather: “Right from when you were still a kid until now, you have only given me reasons to hold my head up high.”

Nag-graduate na si Heather from high school sa Miriam College. “I am so proud of you, my dearest Heather and I am wishing you all the success and happiness the world has to offer.  Good luck on your new journey, anak ko. I love you so much and I’ll always be here for you.  That’s a promise.

“With love and pride today and always. Mom”

Napapanood daily si Valerie sa Raising Mamay, 3:25 p.m., after Apoy Sa Langit, sa GMA 7.

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with