^

Pang Movies

Aubrey at Troy, kasal na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Aubrey at Troy, kasal na!

Eighteen years ang inabot ng long-time partners na sina Aubrey Miles at Troy Montero bago nagdesisyong patali sa isa’t isa!

Nauwi sa civil wedding ang partnership nina Aubrey at Troy na si Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos ang nag-preside last June 9, 2022 matapos ianunsyo ang kanilang engagement.

Inilabas ng friend nilang broadcaster na si Gretchen Fullido ang video ng kanilang civil wedding.

May dalawang anak na sina Aubrey at Troy. May isa nang  anak na si Aubrey sa dating boyfriend na si JP Obligacion bago nakarelasyon si Troy.

Adrian, marunong magpasalamat

Nakaka-touch din ang gesture ng aktor na si Adrian Alandy nang i-tweet namin ang pagiging bahagi niya ng episode tonight sa Magpakailanman.

Hindi kami close ni Adrian pero ‘yung effort niyang magpasalamat eh magandang halimbawa ng isang artistang marunong magpasalamat sa nakakatulong sa kanya.

Ang episode tonight sa MPK ay ang The Mother Who Left: The Fralei Gabor Story na pagbibidahan ni Rochelle Pangilinan.

Huling napanood si Adrian sa GMA suspenserye na Widows’ Web.

Ang magpasalamat sa nagsusulat sa trabaho nila ang wala na yata sa bokabularyo ng mga baguhang artista ngayon, huh!

vuukle comment

AUBREY MILES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with