^

Pang Movies

Maine, tutulong kay Arjo!  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Maine, tutulong kay Arjo!                     

Choice pala ni Maine Mendoza na hindi maging busy, kahit naman may magandang offer sa kanya ang GMA 7.

Yes, may privilege siya to choose her projects.

And let’s not ask why.

A, ako satisfied na akong napapanood siya once a week bilang anak ni Vic Sotto sa Daddy’s Gurl.

Bagay silang mag-ama.

Duda ng marami, pini-prepare na ni Maine ang sarili sa pagtulong sa boyfriend na si Arjo Atayde, bagong elect na Congressman ng District 1 ng Quezon City.

Bagay kay Maine ang maging politician’s wife.  She’s 27 years old. Si Congressman Arjo, 31.

Ang ganda nga pala ng educational background nitong si Maine.

Nag-aral siya sa St. Paul School of Sta. Maria; St. Paul College of Bocaue at De La Salle College of Saint Benilde.

In the case of Arjo, galing siya sa Reedley International School; La Salle Greenhills, De La Salle University, Manila.

Maris at Rico, walang kumpetisyon

Kaya raw obviously nagkakasundo sina Maris Racal at Rico Blanco ay dahil honest sila with each other. Either of them daw ay hindi nagdadalawang-isip magbigay ng comment ng mga bagay na tungkol sa kanila, personal otherwise.

And they both make sure, too, they help each other improve sa kung anumang nakita nila sa isa’t isa na kailangang baguhin.

Jodi, nagpaalam sa mga kasamahan

Forty years old exactly si Jodi Sta. Maria nitong kanyang katatapos na birthday.

Did we hear it right na balak niyang “mamahinga” pansamantala? Tinatapos lang daw niya ang The Broken Marriage Vow, isa sa itinuturing na well-followed series sa telebisyon.

Nabanggit na raw niya ito kay Zanjoe Marudo, leading man niya. At kay Andoy Ranay, director.

Pati na kay Sue Ramirez, gumaganap na kontrabida. Thank God daw, obvious na naintindinan siya ng mga ito.

Iya, emosyonal sa panganganak

Very emotional si Iya Vilania dahil for the fourth time, nagsilang muli siya ng sanggol.

Lalaki. Na pinangalanan nilang mag-asawa ng Astro Phoenix.

Ang asawang si Drew Arellano ang nagbigay ng mga pangalan sa bata. Na Pawang two names.

Ang panganay ay si Antonio Primo, ang panga­lawa, si Alonzo Leon. Then, Alana Lauren.

Supremely proud na raw sila Iya with their four kids. Unless may balak pa raw ang the One up above na dagdagan pa ito.

Wish lang niya at ni Drew matupad ang pangarap nilang mapag-aral in good schools ang mga bata.

A good education daw ang pinakamagandang pamanang puwede nilang ibigay sa mga bata.

Good luck, Iya and Drew.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with