^

Pang Movies

Gary, bubuhayin ang career sa stage play

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gary, bubuhayin ang career sa stage play

Matapos pangunahan ni Gary Valenciano ang musical play na Joseph The Dreamer nung 1999 with him playing the titular role, muli siyang nagbabalik sa nasabing stage play pagkaraan ng 23 taon sa restaging ng Philippine longest musical play pero hindi na siya ang gaganap sa lead role bilang Joseph kundi ang ex-boyfriend ng kanyang unica hija na si Kiana Valenciano, ang singer-actor na si Sam Concepcion.

Si Sam din ang gumanap sa nasabing papel sa 2020 run nito bago dumating ang pandemya. Two years later, muli itong magbabalik-entablado na gaganapin sa Maybank Perfor­ming Art Theater in Bonifacio Global City sa Taguig City sa buwan ng July.

Si Gary V. ang gaganap sa ama ni Joseph na si Jacob at ka-alternate niya ang managing director ng Trumpets Production na si Audie Gemora na siya rin niyang ka-alternate bilang Joseph sa 1999 run nito sa Meralco Theater.

Ang panganay ni Gary V. na si Paolo Valenciano ang muling tatayong director ng nasabing musical play.

Samantala, mahigit isang taon lamang tumagal ang relasyon nina Sam at Kiana. The couple admitted their relationship in February 2017 pero pagdating ng October 2018 ay hiwalay na ang dalawa pero nanatili umano silang magkaibigan. Wala namang problema sa pagitan nina Gary V., Paolo at Sam na magkakasama ngayon sa restaging ng Joseph the Dreamer musical play.

Regular pa ring napapanood si Gary V. sa ASAP Natin ‘To tuwing linggo at bilang isa sa mga hurado ng bagong season ng Idol Philippines kasama sina Regine Velasquez, Chito Miranda (ng Parokya ni Edgar) at Moira dela Torre.

Hipon girl, nawalan ng ‘pakpak’

Nagdadalamhati ngayon ang dating co-host ng game show na Wowowin-turned actress-comedienne at ngayon ay isa 40 official candidates sa 2022 Bb. Pilipinas na si Herlene Nicole Budol na mas kilala bilang si Hipon Girl dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola na siyang nag-alaga sa kanya magmula nang siya’y isilang. Ang kanyang Nanay Bireng ang tumayo niyang ina mula sa kanyang pagkabata.

Ang pakiramdam ni Herlene ay para umano siyang nawalan ng pakpak sa pagkawala ng kanyang lola.

Gayunpaman, ipagpapatuloy umano nya ang kanyang magagandang nasimulan alang-alang sa kanyang namayapang lola dahil ito ang pangarap niya para sa kanya.

Jason at Vickie, tuloy ang kasal sa September

It was on Sept. 1, 2021 nang mag-propose ang Kapuso actor-turned politician na si Jason Abalos sa kanyang longtime girlfriend, ang dating beauty queen na si Vickie Rushton pero nitong nakaraang June 2, 2022 lamang nila ipinaalam sa publiko sa pamamagitan ng kanilang social media account na engaged na sila. December 2021 naman nang magkaroon sila ng pre-nup shoot at nakatakda naman sa buwan ng September 2022 ang kanilang pag-iisang-dibdib.

Si Jason ay nanalong board member ng Nueva Ecija.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with