^

Pang Movies

Kim at Ogie, malabong tanggalin sa Showtime

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kim at Ogie, malabong tanggalin sa Showtime

Kumpleto na ang hosts ng noontime program na It’s Showtime dahil bukod kay Anne Curtis na bumalik last May 28 sa programa after more than two years of absence, bumalik din last Saturday, June 4, ang dancer, singer, host at politician na si Jhong Hilario.

Tuwang-tuwa ang bumubuo ng It’s Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda na naging emotional nang bumalik sa programa si Jhong.

May mga nagtatanong tuloy kung mananatili ba raw sa Showtime sina Kim Chiu at Ogie Alcasid ngayong nakabalik na ang dalawang nag-leave na hosts?

Since maganda naman ang naging performance nina Kim at Ogie nung wala pa sina Anne at Jhong, mukha namang hindi sila tatanggalin.

Sina Kim at Ogie ay napapanood sa telebisyon araw-araw mula Lunes hanggang linggo dahil napapanood din sila sa ASAP Natin `To.

AJ at Diego, paramihan ng trabaho

Maituturing na Vivamax King ang mahusay na actor na si Diego Loyzaga dahil sa sunud-sunod nitong pelikulang palabas sa nasabing streaming app tulad ng Death of A Girlfriend na pinagtambalan nila ni AJ Raval na maituturing namang Vivamax Queen.

Nariyan pa ang ibang movies ni Diego na ipinalabas din sa nasabing streaming platform tulad ng Bekis On The Run, House Tour, The Wife, Adarna Gang, Dulo, Greed at ang kanyang latest movie na How To Love Mr. Heartless na pinagtatambalan nila for the first time ni Sue Ramirez. 

Ang nasabing pelikula ay mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana na siya ring nagdirek ng mga naunang hit movies ng Viva tulad ng 100 Tula Para Kay Estela, Just A Stranger, The Day After Valentines at iba pa.

Inamin sa amin ng dalawang lead stars ng How To Love Mr. Heartless na relate sila sa kanilang respective characters dahil nangyari rin umano ito sa kanila sa tunay na buhay.

Masaya rin sina Diego at Sue dahil ito ang kanilang kauna-unahang team-up na silang dalawa ang mga pangunahing bituin.  First time rin nilang makatrabaho ang writer-director na si direk Jason.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with